Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aktres tanggap ang pagbaba ng career

0 952

Maraming humahanga sa napakapositibong pananaw sa buhay ng isang pamosong aktres. Natikman niya ang lahat ng klase ng pagdambana ng publiko, halos diyusin na siya nu’n ng kanyang mga tagahanga, wala nang makapapantay pa sa tinamo niyang kasikatan.

Wala siyang pribadong buhay na matatawag nu’ng kasagsagan ng kanyang popularidad, by appointment pati ang kanyang pagtulog, ganu’n siya katindi nu’ng kanyang kapanahunan.

Kuwento ng aming source, “Hanggang sa dumating ang panahon na may mga nagdatingan nang bagong mukha na mas bata at mas mabenta. Hanggang sa halos lulubog-lilitaw na lang ang career niya.

“Pero wala kang maririnig na kahit anong reklamo sa female personality, handang-handa niyang tinanggap ang naging kapalaran niya,” unang chika ng aming impormante.

Binalikan ng kanyang mga kaibigan ang nakaraang buhay ng aktres nu’ng sobra-sobra ang kasikatan niya. Ganu’n daw talaga siya, napakasimple ng gusto sa buhay, parang hindi siya ang numero unong artista kung umasta.

Balik-kuwento ng aming source, “Alam na alam ng mga dati niyang nakakasama kung gaano siya kasimple, Hindi siya sanay sa mga ulam na de-sarsa. Mas gusto niya ang pritong isda at gulay, basta meron siyang sawsawang sili.

“Du’n din kasi siya nasanay, sa mga simpleng food lang, kaya kahit pa sumikat na siya nang todo, ‘yun pa rin ang hinahanap-hanap niya,” sabi ng aming source.

Ibang-iba na nga ang buhay ngayon ng female personality. Napakapayak. Hindi magarbo. At masaya pa rin siya sa kanyang kasalukuyang sitwasyon.

“Sa tagal na rin siguro ng pagiging public figure niya, e, kinasabikan niya ang ganitong klase ng buhay. ‘Yung hindi na siya pinupupog ng mga tao kung saanman siya pumunta.

“Nand’yan pa rin siya, hindi naman makakalimutan ng mga kababayan natin ang isang katulad niya, pero kumpara nu’n, e, napakalaki na ng pagkakaiba ng buhay niya.

“Wala siyang reklamo, kung ano ang nand’yan, e, pinagkakasya na lang niya. Hindi naging mahirap sa kanya ang pagtanggap sa pagbaba ng career niya, kasi nga, galing siya sa hirap,” pagtatapos ng humahanga naming source sa female personality.

SM food to go Banner Ad

Cesar ‘di maayos ang trato kay Diego

Maraming nagtataka-nagtatanong—bakit daw wala ang pangalan ni Cesar Montano sa mga pinasalamatan ni Diego Loyzaga sa kanyang ika-26 na kaarawan?

Pinasalamatan ng guwapong aktor ang kanyang mga tiyahin, pinsan at iba pa, pero wala talaga ang pangalan ni Cesar Montano na naging dahilan kung bakit siya isinipot sa mundo.

Siguradong may mga mamba-bash kay Diego bilang isang walang utang na loob na anak. Hindi siya makaliligtas sa pagpuna kung bakit hindi niya isinama ang pangalan ng ama niya sa pasasalamat.

Puwede rin bang baligtarin natin ang tanong? Si Cesar Montano dapat ang nakakaalam kung bakit wala ang pangalan nito sa mga pinasalamatan ni Diego?

Ano ba kasi ang naging buhay sa poder nito ni Diego? Naging maayos ba ang kanilang samahan? Nang magdesisyon bang lumipat na sa pangangalaga ni Bing Loyzaga si Diego (nasa Australia pa nu’n si Teresa na nagtatrabaho bilang flight attendant) ay naging maayos ba ang paghihiwalay nilang mag-ama?

Pinasalamatan ni Diego ang kanyang Tita Sunshine at mga kapatid sa ama, pero bakit wala ang pasasalamat niya kay Cesar, ‘yun ang napakalinaw na ebidensiyang hindi naging maayos ang pagtrato sa kanya ni Cesar nu’ng magsama sila sa isang bubong.

Ang sarap-sarap sulatin at buklatin ang isang pangyayari sa pagitan ng mag-ama, ang nakakaalam lang nu’n ay ang magkapatid na Teresa at Bing, saka si Sunshine.

‘Yung senaryong ‘yun, tumanda man nang hukluban si Diego Loyzaga, ay nakapagkit pa rin sa kanyang utak. Hinding-hindi niya makakalimutan ang karanasang ‘yun na kulang na lang na bumaba ang Diyos para patunayang walang-wala siyang kasalanan.

Magtatanong-maghahanap pa ba ngayon si Cesar Montano kung bakit wala ang kanyang pangalan sa dami ng mga pinasalamatan ni Diego Loyzaga para malampasan ang mga naengkuwentro niyang pagsubok sa buhay?

Leave A Reply

Your email address will not be published.