Abante Tonite Interactive

Aktres tinira ng senatoriable sa kampanya

670

Dang Samson-Garcia

May isa pa tayong kuwento tungkol sa Senatoriable na trying­ hard sa pagiging kome­dyante.

Aba, bukod pala sa pagbanggit sa mga yumaong kilalang personalidad, patuloy din ang paggamit ni Mr. Senatoriable sa sikat na aktres na buhat sa kilalang political clan.

Ang kuwento, pinapakilala ng ating bida ang kanyang sidekick na isa ring aktor bilang adopted son ng kanyang lungsod.

Ito ay hindi dahil inaangkin siyang anak ng lungsod ngunit dahil nag-iiwan daw ito ng anak sa bawat lalawigan na kanyang pinupuntahan.

Katunayan, sa matinding kabangisan daw ng aktor ay nabola niya ang sikat na aktres at naanakan saka iniwanan, walang pinagkaiba sa hit and run ika nga.

Sinabi naman ng aktor na hindi niya niloko ang aktres at minahal niya ito.

Sa halip na bumenta ang komedya ni Mr. Senatoriable gamit ang ‘love story’ ng aktor at aktres ay marami ang nainis dahil tila nilalapastangan nito ang pribadong buhay nang nananahimik na aktres.

Bukod pa rito, dapat anilang ikinunsidera ni Mr. Senatoria­ble ang dinaranas na depresyon ng aktres na nakitang malaki na ang ipinayat.