Abante Tonite Interactive

Aktres tinitirya ng ina

By
1,096

tonite-no-thanks-cristy-ferminMay nakakuwentuhan kami na kumukumpirma na hanggang ngayo’y hindi pa rin nagkakasundo ang isang kilalang mag-inang persona­lidad. Akala ng marami ay naa­yos na ang gusot sa kanilang pagitan pero hindi pa pala.

Ayon sa aming mga kausap ay malalim ang sama ng loob ng anak sa kanyang ina dahil sa mga nakaraang pangyayari sa kanilang buhay.

Mahihirapan pa raw makapag-move-on ang bata. Hindi pa sa panahong ito.

Kuwento ng isang source namin, “Hindi lang naman kasi ang mga alam natin ang ikinasasama ng loob ng girl sa mommy niya. ‘Yung mga lumabas lang sa social media ang alam natin.

“Pero meron­ pang mas maraming karanasan na hindi makakalimutan ang girl, nakakaawa siya, sobra siyang pinahirapan ng nanay niya.

Nagtatrabaho siya, pero ipinapahiya siya sa buong mundo ng mommy niya.

“Instead na suportahan ang anak niya, e, siya pa mismo ang namimintas, siya ang gumagawa ng mga kuwento para hindi magustuhan ng public ang anak niya. Given na ‘yun, pero maraming-marami pang ibang naranasan ang girl sa mommy niya,” impormasyon ng aming­ source.

Matagal na panahon palang ang ginagamit na sasakyan ng young actress papunta sa kanyang trabaho ay service ng production. Nagpapasundo at nagpapahatid siya.

“Paano, kung kailan siya may work, e, saka hindi pinapapasok ng mommy niya ang driver nila. Ewan, basta ganu’n ang ginagawa ng mommy niya. Kailangang-kailangan niya ang car, nandu’n naman at nakaparada lang, pero wala namang magmamaneho.

“Palaging namumugto ang mga mata niya kapag dumarating sa location, kasi nga, sinasadya talaga ng mommy niya na kapag may work siya, e, saka naman siya tinitirya.

“Bawal siyang sumagot, bawal siyang magreklamo, anak lang kasi siya. Matagal pa bago napagod ang girl, tiniis niyang lahat ‘yun, hanggang sa mauntog na siya sa katotohanan na bumukod na siya.

“Kaya hindi pa rin sila nagkakaayos. Malalim pa ang sama ng loob ng girl sa mommy niya, pero marespeto siya, di ba? May nabasa na ba tayong post niya ng paninira sa mommy niya?

“Wala! Mabait ang bata! Puro iyak lang ang ginagawa­ niya. Nakakaloka ang mommy niya! Nag-iisa lang siya, sa totoo lang!” kuwento naman ng isa pang source namin.

Vice may reklamo sa PAL

 

Aliw na aliw kami kay Vice Ganda nu’ng may sumaling flight steward ng Philippine Airlines sa Tawag Ng Tanghalan. Palalampasin ba naman ng magaling na komedyante ang pagkakataong ‘yun para makapaglabas siya ng mga pagpansin sa kumpanya?

At naka-relate kay Vice ang mga kababayan nating madalas bumiyahe na ang binibiling ticket ay business class na pagkamahal-mahal. Oo nga raw, apat ang choices ng pagkain, pero kapag umorder ka ay sasabihin ng flight attendant na hindi na available.

Ang punto ni Vice ay simple lang naman. Nakapamahal ng binabayarang upuan ng biyahero, kakumportablehan ang kanilang inaasahan sa pagbili ng mahal na ticket, pero bakit nauubusan sila ng pagkaing nasa menu naman?

“E, di dagdagan!” madiing pahayag ng TV host dahil kaya raw nauubos ang food na pinipili ng bumibiyahe ay dahil na-order na ng mga naunang pasaherong pinapili ng gusto nila.

Pero hindi ang mga flight attendants ang sinisisi ni Vice kundi ang sistemang pinaiiral ng airline company. Tama ang kanyang komento na mababait at maaasikaso ang mga flight attendants ng PAL.

Palagi silang nakangiti kahit pagod na pagod na, inuunawa nila ang mga pasaherong pasaway, hindi simple ang kanilang trabaho dahil kung ilang pasahero ang lulan ng eroplano ay ganu’n din karaming ugali ang kailangan nilang pakibagayan.

“Palagi na ngang delayed ang flight, uubusan ka pa ng pagkain!” pumapadyak pang saloobin ni Vice Ganda na bentang-benta sa mga televiewers.

Pero in fairness, aminin natin na ang PAL ang may pinakasuwabeng take-off at touchdown. Ganu’n kagagaling ang mga pilotong Pinoy.