Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aktres todo atungal sa talunang mister

0 79

NI: ARCHIE LIAO

Sino itong aktres na todo atungal dahil sa pagkatalo ng kanyang mister sa nakaraang halalan?

Asa kasi ang aktres na magwawagi ang kanyang asawa.

Malaki rin kasi ang naging puhunan ng nasabing aktres para pondohan ang kandidatura ng natalong kandidato.

Hirit ng kibitzers, you and me against the world din daw ang naging drama nito dahil pati ang mga kaibigan ay nakasamaan niya ng loob .Pinili kasi niyang suportahan ang political ambition ng kanyang kabiyak kahit may makakabangga na friend.

Pati nga raw sa social media ay nabawasan ang followers si aktres .May mga na-turn off sa kanyang mga hanash noong kampanya.

Naghihinayang din daw si aktres kung paano niya babawiin ang perang nagastos niya sa kampanya ng mister.

May mga tsika pang nagmumukmok daw ito at ayaw munang lumabas sa kanyang balay.

Sino ang aktres na ito?

Leave A Reply

Your email address will not be published.