Abante Tonite Interactive

Aktres walang pakikisama

By
2,197

May sariling mundo pala kung tawagin ng kanyang mga kapwa artista ang isang magandang aktres. Walang kuwestiyon sa kanyang kagandahan pero sa kanyang ugali ay meron.

Mula sa pamilya ng mga artista ang female personality pero pagdating sa pakikisama ay napag-iiwanan siya. Walang pakialam ang babaeng personalidad, para sa kanya ay tama ang ginagawa niyang kawalan ng PR, ‘yun na raw kasi ang tunay niyang ugali.

Sabi ng isang source na nakatrabaho ng female personality, “Kailangan niyang mag-seminar sa mga tito, tita at mga pinsan niya. Magaganda ang PR ng mga taong ‘yun, hindi niya katulad na may sariling mundo.

“Ang mga ‘yun, malayo pa sila, e, nakahanda na ang ngiti, kumakaway na sa mga co-stars nila, pati sa staff and crew. Cowboy rin sila, maga­ling makisama, wala kang maipipintas sa kanila,” reaksiyon ng ­aming impormante.

Ibang-iba raw sa kanyang mga kadugo ang magandang female personality. Sa isang proyektong ginawa niya sa isang malayong probinsiya ay mas lumutang ang kawalan niya ng pakikisama.

“Kapag take lang sila nag-uusap ng mga co-stars niya, pero after nu’n, nasa isang lugar lang siya, hindi kumi­kibo, PA lang niya ang kinakausap niya.

“Ganu’n lang nag-uumpisa at natatapos ang araw niya. Wala talaga siyang PR, parang kayang-kaya niyang mabuhay nang nag-iisa lang siya. Hindi naman siya nagmamaangas, ‘yun nga lang, hindi niya naman kinakausap ang mga katrabaho niya.

“Pero sa mga interview niya, e, parang ang ganda-ganda ng relasyon niya sa mga kasamahan niya. Ang dami-dami niyang kuwento, napakabilis pa niyang magsalita, halos kainin na niya ang microphone, ‘di ba?

“Pero oncam lang ‘yun, pagdating sa set, e, nagmumukmok lang siya sa isang lugar. Nagtatawanan na ang lahat sa set, pero deadma lang siya. Kanino kaya siya nagmana? Mukhang meron siyang ibang pinagmanahan?” makahulugang pahayag ng aming source.

Daniel, Karla keri sa pagkanta pero ‘di magaling

Napakaagang tawag ang tinanggap namin kahapon mula sa kaibibigan naming propesor. Parang ang laki-laki ng kanyang problema, parang kung ano na ang nangyayari, si Karla Estrada pala ang pinoproblema nito.

Pahayag ni prop, “Walang pasok, kaya nakapanood ako ng It’s Showtime. Nakita ko, judge pala si Karla Estrada sa Tawag Ng Tanghalan? Bakit? Paano?

“Okey ang lahat ng mga hurado. May alam sila sa music, alam nilang kumilatis ng tunay na singer at hindi. Sina Rey Valera, Dulce, Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Erik Santos, Kyla, Yeng Constantino, Jaya, Nyoy Volante, K Brosas, Louie Ocampo. Okey silang lahat.

“Pero bakit naging judge si Karla? Ano ang dahilan? Oo, nakakakanta siya, pero ano ang karapatan niyang maging­ judge sa isang malakihang talent search?

“E, di nga ba, bukod sa may pagkasintunado na si Karla, e, nakakalimutan pa niya ang mga lyrics ng kinakanta niya? Kaya bakit siya nagdya-judge sa Tawang Ng Tanghalan?” naiinis na komento ni prop.

Pinilosopo namin si prop, di ba’t singer din ang anak ni Karla na si Daniel Padilla, bumebenta ang mga kanta ng heartthrob niyang anak.

Mas maasim ang balik ng aming kaibigan, mukhang suka at hindi kape ang kanyang ininom sa paggising, “Naku, para-paraan na lang ‘yan! Nadala na lang ng kasikatan ni Daniel ang pagiging singer niya!

“Pero kung pakikinggan mo siyang mabuti, e, wala namang special sa boses ng bata. Para lang din siyang nanay niya, nakakakanta, pero hindi magaling!

“Sana naman, e, mamili ang production staff ng It’s Showtime ng mga totoong singers para mag-judge sa pa-contest nila. Huwag naman ‘yung basta may maiuupo lang sila!” madiin pang pahayag ni prop.

Ahahay!