Abante Tonite Interactive

Aktres walang patawad sa barya

550

Hindi raw malaman ng ilang tsuper kung sadyang kuripot o may kasamaan lang ng ugali ang isang sikat na aktres.

Ang kuwento, may isang event daw na pinuntahan ang aktres kasama ang mga tsuper sa isang sosyal na lugar.

Dahil sadya namang mamahalin ang mga pagkain sa lugar, nagpasya ang asawa ng aktres na bigyan na lamang ng P500 ang tatlo nilang tsuper upang makahanap ng pagkain ang mga ito.

Take note, tatlo silang tsuper na maghahati sa P500 at ang lugar na kanilang kina­roroonan ay sad­yang may kamahalan ang pagkain.

Pero sa kabila nito ay walang reklamo ang mga tsuper at naghanap ng mas murang mga pagkain.
Gayunman, ang siste, pagbalik ng mga tsuper, tinawag sila agad ng aktres at hinanapan sila ng sukli sa ibinigay na pera ng kanyang asawa.

Kamot sa ulo ang mga tsuper at sinabing wala nang natira at katunayan ay abonado pa sila.

Ang ating bida ay sadya namang maganda at talentado kaya’t ‘di naman makukuwestyon kung bakit lagi itong may show, pero kung anong yaman niya ay hilig naman nitong busisiin ang mga gastos hanggang sa kaliit-liitang sentimo.
Clue: Ang ating bida ay mayroong let­rang O sa kanyang pangalan at apelyido as in Otso.