Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aktres wasak ang friendship kay aktor

0 218

Malaking tandang-pananong para sa maraming taga-showbiz ang biglang panglalamig ng dating magandang samahan popular na female personality at ng isang kilala na rin namang lalaking personalidad.

Madalas maging guest nu’n ang male personality sa mga shows ng actress-TV host, palagi itong pinupuri ng babaeng personalidad, para siyang PRO ng aktor.

Kahit wala sila sa harap ng mga camera ay madalas din silang magkasama, kuwentuhan lang sila nang kuwentuhan, talagang super-close sila.

Pero bakit nga ba biglang tumabang ang kanilang pagkakaibigan? Ano ang dahilan ng pagkasira ng kanilang friendship? Personal ba ang mga dahilan?

Kuwento ng aming source, “Mauubos ang maghapon sa kuwentuhan pa lang ng dalawang ‘yun! Marami kasi silang pinagkakasunduan sa buhay. ‘Yun ang reason kung bakit sila naging super-close.

“Kita n’yo naman, kapag guest ng girl ang friend niya, e, talagang para lang silang nagkukuwentuhan sa kusina ng bahay ng girl, di ba? Anything under the sun talaga ang drama nila!” pasakalye muna ng aming source sa dalawang personalidad.

Magdadalawang taon na silang hindi man lang nagkukumustahan ngayon. Mukhang binura na nila ang cellphone number ng isa’t isa. Bakit nga ba nagkaganu’n ang kanilang samahan?

Patuloy ng aming impormante, “Ang kuwento, e, nalaman kasi ng girl na kinaibigan ng male personality ang kaaway niyang becki. Alam n’yo naman ang girl na ‘yun kung makipagkaibigan, parang binibili niya na pati ang karapatan ng friend niya.

“Kapag kaaway niya ang isang tao, e, kailangang maging kaaway na rin ‘yun ng kaibigan niya! Ganu’n ang ugali niya! So, nu’ng malaman niyang friend pala ng enemy niya ang dati niyang ka-close na male personality, waley na!

“In-unfollow na niya, binura na niya ang number sa cellphone niya, as in, binura na niya sa buhay niya ang male personality! Paano na ‘yan ngayon?

“Sino na ang makakakuwentuhan niya kapag may bagong brand ng make-up na inilabas? E, sila lang namang dalawa ang masyadong interested kapag ganu’n?

SM food to go Banner Ad

“Isa ‘yun sa common interest nila, brand ng make-up! Madalas ngang sabihin ng girl na pagdating sa make-up, e, kinakabog siya ng friend niyang male personality, di ba?

“Nang dahil sa becking kaaway ni girl, nawasak ang pagkakaibigan nila ng male personality!” pagtatapos ng aming source na nakataas ang kilay.

Billy ‘di matitigok ang show

Sabado nang tanghali, napakarami naming tinanggap na tawag at text, isa lang ang tanong ng lahat. Mawawala na rin ba sa ere ang Lunch Out Loud ng Brightlight Productions?

Replay kasi ang LOL, best of ang tawag du’n, inipun-ipon nila ang magagandang episodes ng programa at ‘yun ang ipinalabas nila.

Tinawagan namin agad ang isang tagapamuno ng show, marami kaming itinanong, isa-isa namang nasagot nito nang maayos ang senaryo.

Unang paliwanag. Tuwing Sabado, dalawang beses sa isang buwan, ay best of ang lalamanin ng kanilang lunchtime show para makatipid ang produksiyon.

Pero habang kausap namin ang taga-LOL ay maingay ang paligid, may mga sumisigaw, nagte-taping sila. Ibig sabihi’y hindi mawawala ang Lunch Out Loud, tuluy-tuloy lang ang pangtanghaling programa, hindi ito matutulad sa SNL at dalawa pang ibang shows ng Brightlight na tinapos na.

At ang pinakapositibong mensaheng sinabi ng aming kausap, “Nandito po kanina si Cong. Albee Benetiz. In-assure niya po kami na hindi mawawala ang LOL, tuluy-tuloy pa rin po kami. Naghahanda na po kami ngayon ng iba pang mga segments para sa show.”

Magandang balita ‘yun. Maraming malulungkot kung mawawala ang Lunch Out Loud. Sa sasandaling panahon ay napamahal na sa publiko ang programa.

Nakakaaliw kasi ang mga hosts ng show sa paglilidre-lideran ni Billy Crawford kasama sina Alex Gonzaga, Bayani Agbayani at marami pang ibang hosts.

Panalo rin ang kanilang mga games na malaking halaga ang naiuuwi kahit ng mga natatalong kalahok. Hindi nakauumay ang LOL.

Leave A Reply

Your email address will not be published.