Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Akusado sa rape nabitag

0 215

Arestado ang number 4 Most Wanted Person ng Leon Postigo, Zamboanga del Norte na tinataguan ang kasong panggagahasa sa menor de edad makaraang makorner siya ng pinagsanib na operatiba ng CIDG Zamboanga del Norte, Leon Postigo Municipal Police Station at Meycauayan City Police sa kanyang hideout sa Meycauayan City, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Col. Manuel Lukban Jr. ng Bulacan Police ang naarestong wanted na si Jonathan Ambang Sangcom, residente ng Leon Postigo na nakakulong na ngayon.

Nabatid na nagsagawa ng joint manhunt operation ang mga awtoridad laban sa suspek sa Brgy. Sto. Nino, Meycauayan City.

Hindi na nakatakas si Sangcom nang makorner ng pulisya at hainan ng warrant of arrest dahil sa kasong rape na walang nirekomendang piyansa matapos reypin ang isang menor de edad na babae. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.