Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Akyat-bahay namukhaan ng biktima, timbog

0 57

Swak sa kulungan ang isang 41-anyos na lalaki nang inguso ng kanyang kapitbahay na tuma­ngay ng halagang P26,000 cash sa loob ng bahay ng huli habang mahim­bing itong natutulog sa Tanza, Cavite, Huwebes ng madaling-araw.

Nakakulong ngayon sa Tanza Custodial Center ang suspek na si Jose Darwin Bautista, binata ng Brgy. Bagtas, Tanza dahil sa reklamo ng kanyang kabarangay na si Jernel Godro, 43, isang negosyante.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ulat ni Pat. John Paul Cruz ng Tanza Police Station, mahimbing na natutulog si Godro sa loob ng kanyang bahay subalit nakalimutan niyang i-padlock ang kanilang gate. Sinamantala umano ito ni Bautista na malayang nakapasok sa loob ng bahay, binuksan ang drawer ng biktima, at tinangay ang halagang P26,000 cash dakong alas-1:45 kahapon ng madaling-araw.

Nagising ang biktima dahil sa kalampag at nakita at nakilala ang suspek na nagmamadaling lumabas dahilan upang ipagbigay-alam ng nauna sa kanilang barangay ang insidente. Sa isinagawang follow-up operation ay naaresto ang suspek. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.