Abante Tonite Interactive

Akyat-bahay umiskor sa dalagang doktora

617

Natangay ng akyat-bahay’ ang mahigit sa P.2 mil­yong halaga ng mga alahas at pera matapos looban ang bahay ng isang 88-anyos na matandang dalagang dentista sa isang exclusive subdivision sa Muntinlupa City kamakalawa nang gabi.

Hindi naman makapaniwala ang biktimang si Eustacia Soliven, nakatira sa No. 32 Cebu St., Alabang Hills Village, Muntinlupa nang matuklasang pinasok ang kanyang bahay.

Ayon kay P/Colonel Gerry Umayao, hepe ng Muntinlupa City Police base sa pahayag ng testigong si Agosto Garcia, 46, alas-5:30 nang hapon nang madiskubreng nilooban ang bahay ng biktima.

Galing si Soliven sa Alabang Medical Center dahil naghatid siya ng pagkain ng 88-anyos na may-ari ng bahay na naka-confine nang pag-uwi nito ay nagulat na lamang siya nang madatnang nagkalat ang mga kagamitan sa loob ng bahay at nawawala na ang mga assorted na alahas at pera, na ang halaga ay nasa P265,000.

Nakapasok ang suspek sa pamamagitan ng pagwasak sa bintana ng bahay ng doktora.

Agad namang ini-report sa Muntinlupa City Police ang insidente at sa ngayon ay patuloy na nagsasagawa ng masusing im­bestigasyon.
(Armida Rico)