Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Al fresco dining ng mga bata hahatulan ng IATF

0 126

Inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya na hinihintay na rin nila ang magiging desisyon ng pamahalaan kung papayagan na ang mga menor de edad sa mga al fresco dining.

Ito’y sa gitna na rin ng posibilidad na maibaba sa alert level 2 ang National Capital Region sa Nobyembre at bunsod nang pagsisimula na rin ng pagbakuna sa mga batang edad 12 hanggang 17.

Ayon kay Malaya, depende ito sa magiging rekomendasyon ng Department of Health (DOH) at sa desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).

SM food to go Banner Ad

Kaugnay nito, sinabi ni Malaya na tinatalakay na rin ngayon ng IATF ang posibilidad na pahintulutan na rin ang mga kabataan sa iba pang lugar katulad ng mall at mga pasyalan.

Ipinaliwanag ni Malaya na ang general rule sa ilalim ng alert level system ay papayagan lamang na lumabas ng bahay ang mga matatanda na 65-anyos pataas at ang mga batang 17-anyos pababa kung ito’y para sa mga `essential activity’ katulad ng pagbili ng pagkain at gamot. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.