Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ala-ala ng 10th PAL-MIM 1991

0 206

Isang nakagugulantang na panalo sa 42.195-kilometer footrace women’s division sa dekada 90 ang pagsilat ni Judy Joy Pasaporte ng Oton, Iloilo kay Rowena Monton.

Ilan sa mga kasama kong nag-cover sa 10th Philippine Airlines Manila International Marathon 1991 Enero noon sina Joselito Cinco at Ruben Esguerra ng Atlas Sportsweekly Magazine, Roberto Rondez ng Manila Standard, Clidoro Mariano ng Tempo at iba pa.

Sa post race interview, maluluha ang maganda at US-based na ngayong si Monton sa pagkatalo sa gupit-lalaking si Pasaporte, na tinuhog siya ilang metro na lang pa-finishline sa Quirino Grandsland ng Luneta Park sa Maynila.

Nang panahong iyon hindi pa mahigpit sa mga marathon protocol, pero dapat 18 taon na ang kalahok at may permiso ng magulang o guardian para makapag-entry na. Pero hindi naman sa napakamurang edad na tulad ni Pasaporte na 12 pa lang noon.

“Nalampasan ba ako. Babae ba siya,” maluha-luhang wika ni Weng, palayaw ni Monton. Maaring magprotesta siya kay race director Rodolfo Biscocho dahil sa bata pa ang nanalo.

Pero dahil sikat noon ang dalaga at parang nagpapalit lang ng damit sa mga sala-salabat niyang panalo sa iba’t ibang karera at pagiging sports, hindi na niya ginawa at hinayaan ang bata na manguna sa kanila sa podium.

Leave A Reply

Your email address will not be published.