Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ala Pharmally contract sa LTO

0 149

Tila nauuso ang modus na tulad sa kontrobersiyal na Pharmally Pharmaceutical Corp. na nakasungkit ng malaking kontrata kahit kuwestiyunable ang kakayahan ng kompanya.

Nabahala kasi ang ilang kongresista sa pagkaantala ng information technology o IT system ng Land Transportation Office (LTO).

Sa deliberasyon ng Kamara hinggil sa 2022 budget ng Department of Transportation’s o DOTr noong September 15, sinabi ni Bagong Henerasyon Party-list Representative Bernadette Herrera-Dy na batay sa report ng Commission on Audit o COA na inilabas ngayong taon, ang P3.44 bilyong pisong LTO computerization project ng Land Transportation Management System o LTMS ay atrasado na ng mahigit tatlong taon.

Nabatid na ang kontrata sa nasabing proyekto ay hinati sa dalawa—Component A na aabot sa P3.44 bilyon at Component B na aabot naman sa P4.78 bilyon na binubuo ng ilang mga proyekto para sa pagbili ng hardware, software, at services na may kinalaman sa LTO automation. Ang kontrata para dito ay ibinigay sa Joint Venture na pinamumunuan ng isang IT firm mula Germany noong May 2018.

Batay sa audit report, ang deliverables ng LTMS ay dapat naisumite na sa LTO noong December 2018 ngunit ipinunto ng COA na pinalawig nito ang deadline ng Joint Venture ng walang makatwirang dahilan.

Nakita rin ng COA na ang pag-apruba ng extension orders para sa LTMS ay ginawa ng walang “proof of due diligence”, at nagbayad ang LTO sa nasabing kompanya kahit pa depektibo ang customized core applications nito kahit may mga depektibo pa ito.

SM food to go Banner Ad

Maliban sa pagkaantala ng proyekto at hindi malinaw na basehan ng pagpapalawig ng deadlines nito, tinukoy din ng COA ang hindi paggamit sa nauna nang biniling peripheral devices tulad ng fingerprint scanners, signature pads at web cameras sa ilang tanggapan ng LTO na pagwawaldas ng pondo ng gobyerno.

Ipinagtaka rin ng House Committee on Appropriations sa LTO kung bakit hindi pinatawan ng multa ang contractor batay na rin sa procurement law ng R.A. 9184.

Dahil sa ilang taong pagkaantala ng nasabing proyekto, kinuwestyon ni Herrera-Dy ang kakayahan ng Joint Venture para matapos ang proyekto na makatutulong sana sa LTO para sa automation ng internal at external functions nito.

Pinaiimbestigahan din ng kongresista sa DOTr at LTO ang mga dahilan sa delays, gayundin ang alegasyon na walang kakayanan ang contractor para matupad ang kontrata.

Inaasahan namang magsusumite ang DOTr at LTO ng resulta ng kanilang imbestigasyon hingil sa nasabing usapin .

Leave A Reply

Your email address will not be published.