Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ala-Superman Kapag Naka-Astral

0 355

Ni Rey T. Sibayan

Mga ka-Misteryo madami sa atin ang tila nababagot na o nabo-boring sa masamang epekto ng pandemya lalu na at limitado lang ang mga lugar na kailangan nating puntahan at bawal ang pamamasyal.

Ito ang dahilan kung bakit naisip ni Ramon ng Valenzuela na pag-aralan ang astral travel o pamamasyal sa labas ng katawan.

Kuwento pa ni Ramon sa #Misteryo, ala-Superman siya kapag naka-astral dahil kaya niyang lumipad papunta sa mga lugar na gusto niyang makita lalu na kung dinadalaw niya ang mga kaanak sa Amerika.

Misteryo: “Paano yun? Eh di para kang multo na bumibisita sa iyong mga kaanak? Siyempre Ikaw lang ang nakakakita sa kanila at hindi ka nila nakikita.”

Ramon: “Tama ka ako lang nakakakita sa kanila pero heto tip ko sa gustong mag-astral hangga’t maaari hindi kayo makita ng pets tulad ng pusa o aso tiyak makikita ka nila. Alam naman natin na karaniwan na silang nakakakita ng multo di ba? Siyempre, makikita ka rin nila.”

Misteryo: “Hmmm…tama. May experience ka na ba na nakita ka ng pusa o aso habang naka-astral?”

Ramon: “Naku oo. Minsan bumisita ako sa house ng tita ko sa US, bigla ba naman ako nakita ng aso nila. Akala ko pa naman noon hindi ako makikita kaya ayun hinabol pa niya ako kaya labas ako ng house sabay lipad paitaas.”

Misteryo: “Speaking of nakikita ka sa astral. May na-encounter ka ba na nakita ka ng clairvoyant o yung mga taong may ability na makakita ng spirits o astral realm?”

Ramon: “Aba Oo. Si misis nakita na ko nun nang lumabas ako sa katawan ko akala ko pa naman tulog na siya kaya paglabas ko ayun bigla siyang nagtitili dahil kitang-kita niya yung moment na lumalabas daw ang kaluluwa ko.”

Misteryo: “Anong nangyari? Di biglang balik ka sa katawan mo?”

Ramon: “Oo kaya nang bumangon ako umiiyak si misis akala patay na ako. Kaya kailangan ko ipaliwanag sa kanya ang lahat tungkol sa astral projection o astral travel.”

Yan ang karanasan ni Ramon sa kanyang astral travels at projection baka may interesado subukin lang niyo pero suggestion ko komunsulta muna kayo sa mga eksperto.

Para sa inyong mga kuwentong karanasan mag-email sa misteryophilnet@gmail.com at Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.

Leave A Reply

Your email address will not be published.