Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ala-Terminator na Digmaan sa Berdeng Planeta

0 122

Mga ka-Misteryo hindi lang pala sa pelikula nangyayari ang digmaan ng mga alien at mga robot kundi totoo pala ang ganitong sitwasyon sa ibang planeta.

Yan ang paksa natin ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Si Ronnie ng Malabon ay nagbahagi ng kanyang karanasan sa pakikipag-usap sa mga Ekstra-Terestriyal at nagkuwento sa kanya ang isang kaibigang ET na may nangyayaring digmaan sa tinawag niyang berdeng planeta.

Ito ang inusisang mabuti ng #Misteryo kay Ronnie.

Misteryo: “Saan ba itong sinasabi mong berdeng planeta na may mala-terminator na digmaan?”

Ronnie: “Sabi ng friend kong ET, nasa labas daw ito ng Milky Way galaxy to be exact sa Andromeda galaxy.”

Misteryo: “Pero teka paano mo nga pala nakakausap ang ET friend mo? May name ba siya? Tagasaan siya? Anong posisyon niya o tungkulin niya?”

Ronnie: “Isa siyang Martian commander, Re-Ilam ang pangalan at narito na sila sa Earth bago pa dumami ang tao.”

Misteryo: “Wow! Napaka-interesting naman pala ng ET friend mo. Pero paano mo siya nakakausap?”

Ronnie: “Telepathy ko siya nakakausap. Yun bang may interaction kami sa isip kapag nag-uusap. Malinaw naman ang reception depende sa condition ko. May time kasi malabo ang reception at nahihirapan ako.”

Misteryo: “Ok baka next time siya naman pag-usapan natin pero balik tayo sa green planet na yun. Anong digmaan yun?”

Ronnie: “Ganito kasi para daw sa pelikulang terminator yung digmaan na yun sa berdeng planeta, labanan ng mga humanoid at mga robot.”

Misteryo: “Ano daw ba ang dahilan bakit may digmaan sa planetang yun?”

Ronnie: “Gusto daw kontrolin ng robot race ang buong green planet pero lumalaban ang mga humanoid race. Araw-araw daw na may labanan doon at marami nang namamatay. At high-tech ang mga armas tulad sa mga sci-fi movie.”

Misteryo: “Nanalo ba ang robot race? Marami bang alien race doon sa planetang yun?”

Ronnie: “Hindi daw manalo-nalo ang robot race kasi malalakas ang war technology ng mga humanoid. Magkakaibang alien race doon, may humanoid na malalaki ang ulo habang ang iba ay normal na laki ng ulo pero malalaki ang mga mata at sobrang advanced technology nila.”

Patunay na hindi lang talaga sa Earth may nilalang kundi maging sa iba pang planeta at meron din silang mga problema na dapat lutasin.

Para sa inyong mga kuwentong karanasan, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.

Leave A Reply

Your email address will not be published.