Abante Tonite Interactive

Alab nalasing sa Mono

278

Pinagmalupitan ng Mono Vampire ang San Miguel Alab Pilipinas, 111-76, ASEAN Basketball League elims nitong Linggo sa Stadium 29 sa Nomthaburi, Thailand.

Nanguna sa opensiba ng Mono Vampire sina Mike Singletary na kumana ng double-double 19 points at 11 rebounds sahog pa ang 4 assists.

Umagapay rin si Moses Morgan na tumirada ng 16 markers mula sa pinukol niyang apat na trey habang tig-13 points ang tinapos nina Freddie Lish, Tyler Lamb, Ryan Watkins para salyahin ang Alab Pilipinas.

Kinapos naman ang ginawang 21 points, 7 rebounds at 2 assists ni Nick King pati na rin ang binuhos na effort ni former UST star na si Louie Vigil na 13 markers­ at 5 boards.

Ang iskor:

Mono Vampire 111 – Single­tary 19, Morgan 16, Lish 13, Lamb 13, Watkins 13, Chanthachon 10, Knowles 8, Ananti 8, Towaroj 5, Boonserm 4, Saengtong 2, Phuangla 0.

San Miguel Alab Pilipinas 76 – King 21, Vigil 13, Heading 12, Domingo 10, Gray 9, Wyatt 6, Forbes 4, Ganuelas-Rosser 1, Brickman 0, Rangel 0.
Quarterscores: 31-12; 54-31; 80-52; 111-76. (Aivan Episcope)