Abante Tonite Interactive

Alab tinambakan ng Slingers

382

Bagsak muli ang Alab Pilipinas matapos­ laban sa Singapore Slinger, 85-64, sa 10th ASEAN Basketball League 2019-2020 eliminations Linggo ng hapon sa OCBC Arena sa nasaving city state.

Triple-double ni Xavier Alexander na 31 points, 12 assists at 10 rebounds ang naging bala ng Singapore upang manatili sa manatili sa eight spot sa 2-3 win-loss mark sa 10-team league.

Umalalay rin sa opensiba ng Slingers si Anthony Mcclain na may 18 markers at 13 boards habang umaga­pay naman ng 19 markers si Markus Ryan Elliot upang hilalin ang Pilipino quintet sa 5-3 at matengga sa second place.

Maganda ang depensa ng Singaporeans,­ hinayaan na malamangan sila ng Alab ng dalawang puntos habang ang host team nakalayo nang hanggang 32 puntos.

Halos mag-isang kumasa lang para sa Alab na may 14 pts. at 9 reds. si Maltese big-man Sam Deguara.

Ang iskor:
Singapore 85 -Alexander 31, Elliot 19, Mcclain 18, Kwek 7, Goh 5, Raj 3, Oh 2, Tay 0, J. Ng 0, Lim 0, S. Ng 0.

Alab 64 – Deguara 14, Gray 9, King 9, Brickman 8, Wyatt 7, Vigil 5, Heading 3, Rosser 3, Domingo 2, Rangel 2, Caracut 2, Aban 0. ­(Aivan Denzel ­Episcope)