Abante Tonite Interactive

Alabanza, Bulacan ungos sa Navotas

0 117

Mga laro ngayon: (Strike Gymnasium-Bacoor)
4 p.m. – Pasig vs Cebu
6:30 p.m. – Quezon City vs Caloocan
8:30 p.m. – Bicol vs Bacoor

Sinalba ni John Ray Alabanza ang Bulacan Kuyas bago pa mapiligro sa Navotas Uni-Pak Sardines sa dikdikang 104-103 double overtime win sa unang laro ng 3rd Maharlika Pilipinas Basketbal League Lakan Cup 2019 elims sa Cuneta Astrodome, Pasay.

Bukod sa game winning two free throws ni Alabanza, nasangkalan din ng Bulacan si Roldan Sara na may mahalagang 20 points at 6 rebounds upang kunin ang ika-3 sunod na panalo ng Bulacan na may 8-5 karta na at umakyat sa Group A sixth spot.

“Sa tingin ko yung focus namin sa game though it’s a cardiac game but we stayed focus, we stayed together and we follow the rules na pinapagawa sa amin ni coach,” salaysay ni Sara.

Natapon lang ang sipag ni John Melegrito na gumawa ng 15 pts. at 8 rebs. para sa Navotas. Pati ang 16 pts. at 5 asts. ni Allan Evangelista sa subsob sa 3-8 ng team at samahan sa tablahan sa ika-13 puwesto ng North Division ang Rizal Golden Coolers. (Aivan Denzel Episcope)