Abante Tonite Interactive

Alagang aso at beauty pageant

91

Kasalukuyan po akong nasa Hong Kong ngayon bilang OFW, napanaginipan ko po ang aking aso. Pinaliguan ko po siya, sinabong maigi. Tuwang-tuwa po siya habang nakahiga sa batyang may tubig.

Pagkatapos po nun ay napa­naginip ko naman na ilalaban daw po ako sa isang pageant pero big­laan daw po. Wala po akong paghahanda at doon po ay naputol na po ang aking panaginip.

Ang aso ay simbolo ng proteksyon at lo­yalty. Ang ganitong pa­naginip ay indikasyon na maaa­ring may pinagdaraa­nan kang sitwasyon sa buhay kung saan kailangan mo ng emosyunal na proteksyon, emotional self-defense. Ang aso ay indikasyon na gusto mong bigyang proteksyon ang sarili mo, maaaring bunga ng emotional stress na pinagdaraanan.

Ang aso ay tinatawag na man’s bestfriend kaya naman ang iyong panaginip ay pahiwatig na naghahanap ka ng loyal na kaibigan na mapaghihi­ngahan ng mga isyung emosyunal. Maaring ang mga pinagdaraa­nan mo ay masyadong pribado kaya naghaha­nap ka ng taong puwedeng pagtiwalaan para may mapagsabihan ka ng mga isyung buma­bagabag sa iyo.

Related Posts

Ang pagpapaligo mo sa iyong aso ay indikasyon naman na sa aktuwal na buhay, ikaw ay masasabing generous at loyal. Sa iyong pana­ginip, nakita mo ang aso mo na masayang-masaya habang naka­babad sa tubig. Indikasyon naman ito na gusto mong takasan ang mga isyung nakakagulo at nakakapagpalungkot sa iyo. At dahil ang aso sa panaginip mo ay mismong alagang aso mo at hindi aso ng ibang tao o strange dog, indikasyon naman ito na meron kang nami-miss at ang taong ito ay nagbibigay sa iyo ng feeling na protektado ka kapag kasama mo siya. Sinuman ang taong ito, malaki ang importansya niya sa buhay mo.

Sa aspetong psychological, ang aso ay representation ng ibang tao sa iyong buhay at may kinalaman ito sa proteksyon, friendship at loyalty.

Ang bahagi naman ng iyong panaginip kung saan sumali ka sa beauty contest ay indikasyon na nararamdamang mong hinuhusgahan ka ng ibang tao o pakiramdam mo’y may mga pagkakataong tila sinusukat ng iba ang iyong pagkatao. Ang bahagi naman ng iyong panaginip ay hindi ka handa sa pinasok na beauty pageant ay tulad din ng mga panagi­nip na sumasailalim ka sa isang eksaminasyon na wala kang maisagot. Kadalasan ito ay bunga ng stress.

Sa kabuuan, ang iyong panaginip ay nagpapahiwatig ng stress na maaaring bunga ng pagka-homesick at pa­ngungulila mo sa mga taong mahalaga sa buhay mo. Magpakatatag dahil ang kalungkutan ay bahagi ng pagiging OFW kung saan isinasakripisyo mo ang sari­ling kaligayahan alang-alang sa iyong mga mahal sa buhay. Kung may pagkakataong magli­bang kasama ng mga kaibigan, gawin ito hindi lamang para irelaks ang katawan kundi higit ang kaisipan.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang pana­ginip, mag-email sa abantedreamcat­cher@gmail.com.