Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alak, bawal hanggang bukas

0 46

Magpapatupad ng liquor ban ang Commission on Elections mula bukas hanggang May 9, araw ng halalan.

Sa ilalim ng Resolution No. 10746 ng Comelec, bawal ang pagbebenta, pag-aalok pagbili, at pag-inom ng alak sa mga nasabing araw.

Sinumang mahuhuling lalabag sa liquor ban ay nahaharap sa hanggang 6 na taong pagkakulong.

Inaabisuhan din ang mga tindahan at iba pang establisimiyento na huwag mag-display ng alcoholic beverages, para hindi maengganyo ang mga customer. (Damien Horatio Catada)

Leave A Reply

Your email address will not be published.