Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alak, yosi bawal sa community pantry

0 134

Maglalabas ng guidelines ang Department of the Interior and Local Government (DILG) tungkol sa mga nauusong community pantry.

Ani DILG Secretary Eduardo Año, hindi nila oobligahing kumuha ng permit ang mga pantry organizer ngunit magtatakda sila ng mga maaari at hindi maaaring ibigay na tulong sa publiko.

Kabilang aniya sa ipinagbabawal sa community pantry ang mga iligal katulad ng mga inuming nakalalasing at sigarilyo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Hindi ‘yan maganda sa kalusugan so hindi natin papayagang maisama ‘yan dito sa community pantry,” lahad ni Año sa virtual briefing ngayong Miyerkoles.

Magugunitang isang community pantry sa Antipolo ang naiulat na namigay ng sikat na alak ng Korea na soju. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.