Abante Tonite Interactive

Alalay ni Batman naging James Bond

534

Ang bagong Epix serye na “Pennyworth” ay isang original na kuwento.

Sa kabilang banda, si Pennyworth ay hindi si Batman at wala siyang klasikong mga kontrabida. Sa halip, ito ay nagpapakita ng isang rebisyunis­tang bersyon ng kanyang mga magulang. At tulad nga sa pamagat nito, ang kanyang minamahal na mayordomo na si Alfred, isang mapagkakatiwalaang lingkod bilang James Bond-ish spy noong 1960s (?)
Ang nasabing TV series ay naganap noong 1960 na sinusundan ang isang batang Alfred Pennyworth, (ginagampanan ni Jack Bannon).

“This is not a superhero show. It’s a character-driven drama and very stylized, and we’re all excited by it. Every day when I went to the studio, I counted myself as the luckiest man in the world,” ani Jack.

Ang nasabing role ay dating ginampanan ng mga bigating artista na tulad nina Michael Gough, Michael Caine, at Jeremy Irons.

“It was hard to not go back and use other performances as a safety blanket. But this Alfred is unique because he’s optimistic, cheeky, and flirtatious. The world is his oyster.”

Ang bagong epikong serye ng Batman prequel ay naka-focus sa pagbuo ng kinikilalang bayani, Alfred Pennyworth, sa isang dynamic character na sinusunod ang kanyang sariling karapatan.

Ang Epix’s “Pennyworth” ay isang kamangha-manghang bagong edisyon sa Batman mythology na hindi gumagamit ng koneksyon nito sa “Caped Crusader”. Ang mga tagalikha nito ay isinentro ang kanilang kuwento sa paglalakbay ni Alfred, habang nakapaligid sa kanya ang mga sumusuporta sa kanyang mga artista na tulad ni Thomas Wayne at ang kontrabidang si Bet Sykes. Malaking tulong ang ginamit na backdrop na 1960s London na nakadagdag sa kakaibang hitsura ng palabas. Namumukod tangi ito sa maraming comic book show na napapanood sa telebisyon. (Lourdes Fabian)

Attachments area