Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alalay sa mga kababaihang negosyante

0 106

Ibang klase rin talaga ang pamunuan ng pamahalaang lungsod ng Malabon dahil ramdam mong hindi tipid ang ayuda sa mga tao.

Sa pagpapatuloy ng General Community Quarantine (GCQ) with alert levels, sinigurado ng pamahalang lungsod ng Malabon na may hanapbuhay at pangkabuhayan ang kanilang mga mamamayan.

Tumanggap ng skills training at tulong pangkabuhayan ang mga kababaihang micro, small and medium enterprise (MSME) owner kung saan maipagpapatuloy ng mga ito ang kanilang kayod sa gitna ng pandemya.

Ani ni Councilor Jose Lorenzo Oreta “Enzo” Oreta na tumatayong Chairperson ng Committee on Labor, Trade, and Industry at Chairperson din ng Committee on Women, Family, and PWD, sa pamamagitan ng Gilas Asensong Malabonian Training, mahigit 200 sa naunang batch at 200 pang muli bago matapos ang taon, ang makikinabang sa mga dagdag-kaalaman at tulong pangkabuhayan na halagang P5000 bawat isa.

SM food to go Banner Ad

“Napakalaki ng ambag ng mga women entrepreneurs sa patuloy na pag-asenso ng ating lungsod kaya ngayong humaharap sila sa mga pagsubok ay nandito tayo upang suportahan silang ituloy at makabangong muli sa kanilang mga buhay,” pagdidiin ni Oreta.

Ang training ay naisakatuparan sa tulong na rin ng Gender and Development (GAD) Center ng Malabon at CDO (para sa food industry), PLDT at Smart (para sa internet access), at BanKo (para sa access sa karagdagang kapital na abot-kaya).

Kaya naman, malaki ang pasasalamat ng mga kababaihang entrepreneur na nakinabang sa nasabing programa. Ayon sa kanila, malaking hamon para sa kanilang mga business owners ang pandemya pero nagpapasalamat sila dahil hindi sila pinapabayaan at patuloy ang pagtulong sa kanila ng pamahalaang lungsod.

“Sa ganitong paraan ay nawawala yung takot nila na lahat ng ipinundar nila sa kanilang negosyo ay mawawala,” ayon pa kay Oreta.

Leave A Reply

Your email address will not be published.