Abante Tonite Interactive

Alalayan ang maliliit na negosyo

0 167

Kung tadtad ng agam-agam ang kalooban ng maraming Pinoy sa bagong taong 2019, lalo pa’t ilalarga na ang ikalawang buhos ng TRAIN Law, ‘di hamak na mas malaki ang pangamba ng maliliit na negosyante.

Sa mga beteranong vendor at mga nakapuwesto sa palengke, kabisado na nila ang takbo ng negosyo at tunay na nakakakaba ang hagupit ng TRAIN 2 Law.

Ang bawat aray kasi na sinasahod ng maliliit na empleyado sa sumisirit na excise tax ng produktong petrolyo ay awtomatiko ring lu­malatay sa maliliit na negosyante.

Bakit? Dahil ang merkado ng simple at maliliit na negosyo ay pawang mga low-income earner­s din.

Ang bawat paghihigpit ng sinturon ng mga konsumer ay kabawasan sa benta ng small entrepreneurs.

Sana naman ay maagang mailatag ng gobyerno ang mga ayuda at suporta na puwedeng magpatatag sa maliliit na negosyante upang makasabay naman sila sa mapeperang karibal.

Isang masaganang 2019 sana sa masisikap na negosyante, gaya ng paninigarilyo.