Abante Tonite Interactive

Alam n’yo ba? Ice cream pampataas ng libido, nakakatulong para mabuntis!

By
709

Sa mga magdyowang hirap makabuo ng dyunakis, makakatulong ang pagkain ng ice cream para mabuntis.

Ito ay batay na rin sa ginawang pag-aaral ng mga eksperto mula sa Harvard School of Public Health sa Boston.

Napatunayan ng mga mananaliksik na mabisa ang pagkain ng sorbetes o anumang produkto ng gatas para makabuo agad ng baby ang isang babae dahil sa taglay nitong fat.

Pampataas din ng libido.

Bukod sa sinasabing epektibo ito upang tumaas ang tiyansang mabuntis ay tulong din ito para tumaas ang ­libido.

Ang ice cream ay mayaman sa phosphorus at calcium na siyang nagbibigay-enerhiya sa mga muscles.

Mag-uumapaw ang energy sa katawan ng isang taong busog sa sorbetes kaya sina­sabing makakaramdam ito ng pananabik.