Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alamara rampa sa ‘Rise Up’

0 122

Kaabang-abang ang webisode ng Philippine Sports Commission (PSC) Rise Up Shape Up 2022 bukas, (Sabado, Enero 29) dahil sa pagbisita ni Gintong Gawad 2021 ‘Ina ng Isport’ awardee Norma Alamara.

Pinagkaloob ang ‘Ina ng Isports’ award sa isang nanay na may mga anak sa national pool na mga bumida at humakot ng mga medalya sa national at international competition.

Isang proud single mother mula sa Davao City si Alamara na inaalagaan at ginagbayan ang mga anak na sina Ali, Frazier, Dexter, Mummar, at Norton na parte ng national swimming at water polo teams na nag-Southeast Asian Games noong 2002-2017.

Ipinahayag naman Biyernes ni PSC Women in Sports Commissioner Celia Kiram ang presensya ng inspiring woman sa grassroots sport na tinulungan ang PSC sa pagtuklas at hubog ng national athletes. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.