ALAMIN: 5 sintomas, 4 paraan vs. dengue

303

Lampas 300,000 na ang naitalang kaso ng dengue sa bansa mula Enero 1 hanggang Setyembre 14, 2019, ayon sa Department of Health (DOH), doble kumpara sa 142,783 kasong naitala noong 2018.

Madalas na tinatamaan ng dengue ang mga bata at teenager, na dulot ng kagat ng mga lamok na nahawa ng dengue. Madalas silang nangangagat sa loob at labas ng bahay, dalawang oras bago ang pagsikat at paglubog ng araw.

Talamak ang all-year round na sakit sa Ilocos, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, SOCSKSARGEN, National Capital Region at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Tinaas na rin ang dengue alert sa Central Visayas at Davao.

Paano nga ba malalaman kung tinamaan ka nito? Narito ang mga warning sign mula sa Unilab at Mayo Clinic:

1. Mataas na lagnat (nasa 40°C o 100°F)
2. Pananakit ng ulo/Pagsusuka
3. Pananakit ng mata
4. Rashes
5. Muscle, bone, and joint pain

May mas malalang porma ng dengue, ang dengue hemorrhagic fever na tumatagal mula dalawa hanggang pitong araw. Ilan sa mga sintomas nito ang:

1. Kahirapan sa paghinga
2. Tuluy-tuloy na pagsusuka
3. Dugo sa ihi, tae, suka
4. Matinding pananakit ng tiyan
5. Bleeding gums

Sa ngayon, nangangalap pa rin ang mga mananaliksik ng bakuna kontra dengue fever.

Muli naman pinaalala ng DOH ang kampanyang 4-S kontra dengue:

1) Search o galugarin at wasakin ang mga palahian ng mga lamok na nagdudulot ng dengue: Aedes aegypti at Aedes albopictus;

2) Self-protection measures gaya ng pagsusuot ng mahahabang pantalon at mga long sleeved shirt. Ugaliin din ang paglalagay sa katawan ng mosquito repellent;

3) Seek o kumonsulta nang maaga sa doktor; at

4) Support fogging/spraying sa mga hotspot area upang hindi na magkaroon pa ng outbreak ng nasabing sakit.

SDC

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...