Abante Tonite Interactive

Alamin ang bisa ng Kamote

1,243

Alam n’yo bang isa ang kamote sa may pinakamabisang bunga na nakapagbibigay ng sigla at lakas ng katawan. Ito ay isang kilalang bungang-ugat o root crop na kinakain ng maraming mga Pilipino.

Maroon din itong mga bitamina na gaya ng vitamin A at vitamin C. May taglay pa itong mineral na zinc, potassium, sodium, manganese, calcium, magnesium at iron. Ang bungang-ugat ay mahalagang pinagkukunan ng vitamin A, B at C, iron, calcium at phosphorus.

Alam n’yo ba na ang bahagi ng halaman ng kamote ay ginagamit bilang gamot. Ang dahon ay maaaring kainin bilang gulay na mainam para sa kalusugan ng isang tao, maaari ring dikdikin at ipantapal sa apektadong bahagi ng katawan, ang bungang-ugat ng kamote ay masarap na kainin dahil na rin sa sustans­yang taglay ng bias nito para sa panlunas.

Mayaman sa taglay na beta-carotene ang kamote at mayaman rin sa antioxidants na kaila­ngan ng katawan.

Alamin ang nutritious tips sa bisa ng kamote:

1. Mainam ang kamote para sa may diabetics. Ang pagkain sa ginulay na dahon ng kamote o talbos ng kamote ay mabisa para matulu­ngan ang pagga­ling ng sakit na dia­betes. Makatutulong din ang pag-inom sa pinaglagaan ng buong halaman ng kamote dahil sa taglay nitong pagpapababa ng insulin resistance at nagre-regulate ng sugar levels.

2. Mainam ang kamote para sa mga su­gat. Makatutulong sa mabilis na paghilom ng mga sugat ang pagtatapal ng balat ng kamote sa apektadong bahagi ng katawan.

3. Nakatutulong ang pagkain ng kamote sa pagtunaw ng kinain. Ang dietary fibers ay mainam para sa malusog na digestive tract kaya naman mainam dito ang pagkain ng kamote dahil kinokontrol nito ang pagkakaroon ng colon cancer at ang constipation.

4. Nagpapaiwas sa Emphysema: Mabisa ang taglay na Vitamin A ng kamote kaya naman mainam ito para sa regeneration ng respiratory system sa katawan ng tao.

5. Nagpapalakas ng Immune System ang pagkain ng kamote. Malakas sa taglay na Vitamin D ang kamote kaya naman mainam ito para sa pagkilos ng thyroid gland, para sa kalusugan ng mga ngipin, maayos na daloy ng dugo at energy levels.

6. Para sa Healthy Heart. Ang Vitamin B6 na taglay ng kamote o sweet potato ay nakatutulong sa pag-iwas sa strokes at iba pang degenerative diseases.

7. Gamot para sa may pigsa. Mabisang panglunas sa pagkakaroon ng pigsa ang pagtatapal ng dinikdik na dahon ng kamote.

8. Pagtatae. Karaniwang kinakain ang bungang-ugat ng kamote para sa kondisyon ng pagtatae o dia­rrhea.

9. Malusog na muscles at tissues. Ang potassium contents na taglay ng kamote ay mainam lalo na para sa mga atleta. Ito ay dahil nakakabawas ito sa pagkakaroon ng cramps at pamamaga.

10. Anti-oxidant ang pagkain ng kamote. Nakaiiwas ito para sa gouts, arthritis, asthma, dahil sa taglay na carotenoids na mayaman sa kamote.

11. Para sa fetal development. Mainam ang pagkain ng kamote para sa mga nagdadalang-tao na nangangailangan ng folic acid na makikita sa kamote.

12. Vitamin C. Ang sweet potatoes ay mayaman sa Vitamin C para sa maayos na pag-function katawan.

13. Mainam para sa may anemic. Mayaman ang kamote sa iron kaya naman mabisa ito para sa mga anemic o may sakit na anemia dahil inaayos nito ang production ng white and red blood cells.

12. Dengue. Nakatutulong din ang pag-inom sa pinaglagaan ng dahon ng kamote para mapanumbalik ang nasirang mga platelets dahil sa sakit na dengue.

13. Youthful Skin: Magpakulo lamang ng kamote at ito ay maaaring ipanghilamos ng mukha upang malinis ang pores at ma-absorb ang kaaya-ayang kutis.

14. Quality Hair. Ang taglay na beta-carotene na mayroon sa mga kamote ay nagpapalago ng magandang hibla ng buhok at nakaaalis ng dandruff.

15. Epekto ng free radicals sa katawan. Ang kamote ay may mataas na lebel ng beta-carotene na isang ma­lakas ng anti-oxidant na lumalaban sa pagkasira ng mga cells na dulot ng mga free radicals.