Abante Tonite Interactive

Alamin ang epekto sa kababaihan ng dyeta sa sex

628

Mas maaga umanong mag-menopause ang babaeng hindi aktibo ang sex life kumpara sa babaeng lagi ang dyug.

Lumabas sa isinagawang ­pag-aaral na ang mga babae na aktibo ang sex life ay 28% na matagal mag-menopause kumpara sa babae na halos isang beses sa isang buwan lamang nakikipagtalik.

Ang mga babaeng nakikipag-sex ng kada buwan ay 19% na mas maagang mag menopause.

Habang hindi naman tinitingnan ang nabanggit na dahilan dahil ang ­pakikipagtalik ay isang senyales para mabuntis pero ang mga babae na hindi madalas nakikipagtalik ay mas maagang mag-menopause.

“If you’re not going to reproduce, there’s no point ovulating — you’re better off using that energy elsewhere,” ayon kay Megan Arnot, lead author ng study at PhD candidate sa evolutionary anthropology sa University College London.

Sa panahon ng ovulation, ang babae ay mas lantad sa sakit dahil mahina ang kanyang immune system.

Kung ang pagbubuntis ay imposible dahil sa walang katalik, hindi ­magbebenepisyo sa katawan ang ovulation na maaaring maging sanhi ng ­maagang menopause. (Juliet de Loza-Cudia)