Abante Tonite Interactive

Alamin ang mga benepisyo sa katawan ng lemon

400

Ang lemon ay isang prutas na nagbibigay ng maraming benepisyo sa katawan at ginagamit panluto.

Bukod sa ginagawa itong juice bilang pamatid uhaw, bine-blend din ito at iniinom, maari din itong gawing salad dressing, lemon pie at marami pang iba.

Ang pagsipsip ng katas ng lemon ay nakakagaan ng pakiramdam lalo na sa mga mahilig sa maa­sim. Ang aroma­tic oils mula sa katas nito, ma­ngasim-ngasim at manamis-namis ay maaring makabuo ng magandang lasa nang walang asukal o asin na pampalasa.

Mas mapapasarap ang lasa lalo na kung may kahalong ibang sangkap na makakadagdag sa lasa ng lemon. Maaring lagyan ng asukal, asin, lime, tubig at yelo bago idaan sa blender hanggang sa itoý maging pino at mayroon ka nang maiinom nga­yong tag-nit.

Winner ding panghimagas

Mayroon ding lemon curd na pinaghalong lemon, pudding, pie, curd, pots de creme at bar.

Ang mga pot de crème ay may decadent, cheesecake body, ngunit ang cream ay bahagyang magkakaiba sa lemony zing. Ang cream ay magiging mas mahusay na idagdag sa whipped form, sa ­ibabaw ng isang le­mony treat.

Ilan sa sangkap ng blended­ lemon curd bars na maa­ring maka­gawa ng 16 bars ay ang mga sumusunod:
4 na lemon,­
2 tasa ng asukal,
1/4 tasa ng fresh lime juice,
8 kutsara (1/2 cup) unsalted butter(at room temperature),
2 kutsarita ng vanilla,
6 na malalaking itlog, 1 kutsara all-purpose flour,
2 kutsarita ng kosher salt, 1 tasa ng frozen blueberries (optional),
whipped heavy cream (optional),
powdered sugar (optional)

Kapag handa na ang lahat ng sangkap, painitin ng 350 ang oven.

Hugasan ang mga lemon, hiwain ang magkabilang dulo ng bawat prutas, at hiwain sa apat.

Palamigin ang mga lemon­ at salain. Ilagay ang lemon quarters at lemon juice sa blender, at simulan itong paikutin ng mababa sa blender.

Itigil at kayurin ang mga gilid kung kinakaila­ngan, panatilihin ito sa mababa hanggang sa ito’y maging pino. At muling ilagay sa mas mabilis na pag-ikot, patagalin ng 30 segundo hanggang sa itoy maging malapot.

Ilagay ang asukal at lime juice sa blender. Muling idaan sa blender­ ng 30 segundo. Lagyan ito ng butter at vanilla, paikutin muli sa blender ng 15 segundo bago ilagay ang mga itlog at muling paikutin sa blender ng 15 segundo hanggang sa maging pino ito.

Ibudbod ang harina at asin sa ilalim ng isang 9 by 13 inch na nonstick o glass baking pan. Ikalat ito nang pantay; huwag tatakpan. Dahan-dahang ibuhos ang butter.

I-bake ng 30 minuto, pagkatapos ay ikalat ang frozen blueberries, sa ibabaw ng yellorw curd.

Kapag bumubula na ang iba­baw at nagsimula ng maging­ brown, patayin ang oven at hayaang nakasara ang oven at palamigin bago ito i-serve. (Mina Aquino)