Abante Tonite Interactive

Alamin ang pampa-good mood, anti-stress food

669

Alam n’yo bang maraming klase ng pagkain ang nakasisira ng mood, nakakataba, at nakaka-stress. Kadalasang nakikita ito sa mga restaurant, fast food chains o sa karinderya.

Nakabubuting pumili ng pagkain na makapagbibigay ng sustansya at kaligayahan at hindi ang pagkaing pagsisisihan mong kainin sa bandang huli.

Subukang kumain ng mga pagkain na nakakabuti sa ating mood, mainam kung magiging bahagi ito ng iyong diet sa pang-araw-araw. Mainam ang mga pagkaing mataas sa omega-3 fatty acids, gaya ng oily fish na tuna, mackerel at salmon.

Bukod sa isda mabuti rin ang walnuts at avocado na mayaman sa omega-3, maganda rin ito sa balat upang labanan ang skin aging. gumamit ng olive oil sa pagluluto, taglay nito ang healthy fats at omega-3 acids.

Ang whole grain oats, quinoa, brown rice at 100% whole grain pasta at tinapay ay nagbibigay ng mabu-ting epekto sa ating utak sa pamamagitan ng pagpapataas sa serotonin, ang hormone na responsable sa mood balance.

Ang mga carbohydrates na pagkain ay mataas sa fiber, protein, vitamins at minerals kumpara sa refined carbohydrates.

Kumain ng saging dahil ito ay ay mayaman sa fiber at tryptophan na nakakapag-relax at nakakaganda ng mood.

Ang mga pagkaing keso, chicken, soy products, itlog, tofu, isda, gatas, turkey, mani, peanut butter, pumpkin seeds at sesame seeds ay mayaman din sa sangkap na tryptophan, isang amino acid na pangunahing kailangan ng katawan upang magproduce ng serotonin na nagbabalanse ng ating mood.

Uminom ng dalawang litro ng tubig kada araw. Imbes na uminom ng softdrinks o juice bilang pampalamig, piliin ang tubig.

Ang pagiging hydrated ay nakakatulong sa maayos na sistema ng katawan at pag-iisip.(Vick Aquino)