Abante Tonite Interactive

Alamin ang ‘yong kapalaran ayon sa iyong zodiac sign | April 1, 2020

3,038

ARIES (Marso 21-Abril 19) – May karapatan kang magreklamo kung pakiramdam mo na nadedehado. Alam mo kung ano ang iyong kakayahan at alam mo rin na mas level up ka kaysa iniisip ng iyong katunggali. Lucky color: Red, lucky number: 13

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Wag matakot na makipagsapalaran at sumugal sa mga hamon ng buhay. Iwasan lamang makagawa ng aksyon na maari mong pagsisihan sa mga susunod na araw. Lucky color: Maroon, lucky number: 24.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) –Iwasang magpakita ng matinding reaksyon sa isang simpleng problema lamang. Maging kalmado para mabago ang pagtingin sa iyo ng mga tao sa iyong paligid. Ang sobrang reaksyon ay maaring magdulot nang hinid maganda sa iyong kalusugan. Lucky color: Yellow, lucky number: 45.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Wag nang habulin ang mga bagay na hindi mo naman talaga makukuha. Mas maraming dapat pag-ukulan ng oras. Ikaw ang natatalo kung sasayangin ang oras sa bagay na hindi mo na mababago. Lucky color : Pink, lucky number: 3.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Maaari mong i-push pa ang sarili mo nang higit sa iyong limitasyon. Minsan inaakala lamang natin na limitado ang ating kakayahan pero meron naman tayong reserve energy para rito na kailangan lamang nating gamitin. Lucky color: White, lucky number: 22.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Ang isang nakatakdang mangyari ay hindi mo maiiwasan at hindi mo rin mahahadlangan. Kailangan na lamang dito ay acceptance. Wag maging sarado ang isipan sa mga pagbabago sa paligid. Lucky color: Red, lucky number: 7.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Gawin goal sa araw na ito na tanggapin anumang sitwasyong nasa iyong harapin. Kapag natanggap mo ito, makakapagpokus ka na sa dapat gawin para maresolba ito. Mag-isip ng mga bagay na pwdeng pagkaabalahan para hindi mainip. Lucky color:Gray, lucky number 19.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Ang isang mensahe mo ay hindi agad matatanggap ng mga taong nasa iyong harapan. Bigyan lamang sila ng panahon para magkaroon ng acceptance at makukuha mo rin ang kanilang kooperasyon. Lucky color:Brown, lucky number: 56.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Iwasang mapokus ang atensyon sa mga maliliit na bagay para makita mo ang mas malalaking isyu. Makahulugan ang buhay at humanap ng ilang dapat mong baguhin para mas maramdaman ang tunay mong purpose sa buhay. Lucky color: Violet, lucky number: 33.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – May pangyayari ngayon na hindi mo talaga inaasahan at hindi mo man lamang naisip na puwedeng mangyari. Pero positibo naman ito kaya dapat i-appreciate mo . Mabubuksan ang mga mata sa totoong nangyayari sa buhay. Lucky color: White, lucky number: 44.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Masyadong napopokus ang iyong atensyon sa problema ng ibang tao. Kailangan mo nang magsalita at sabihing naabot mo na ang sukdulan. Harapin na lamang ang sariling buhay para mas mapanatag ang isip at kalooban. Lucky color: Gold, lucky number: 2.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) –Kung may masabing masakit o nakakainsulto sa iyo ang ibang tao, piliting makontrol ang iyong emosyon. Alalahaning ang narinig mo ay puwede namang ilabas sa kabilang tenga. Iwasang maging pikon + dahil mauubos lamang nito ang oras mo. Lucky color: Silver, lucky number: 29.

Tonite – Wendys Inhouse Ad