Abante Tonite Interactive

Alamin ang ‘yong kapalaran ayon sa iyong zodiac sign | April 2, 2020

852

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Isang alanganing sitwasyon ang posibleng hindi maiwasan. Kung makagawa ng isang bagay na hindi maganda sa paningin ng iba, tanggapin ang responsibilidad at humingi ng paunawa sa mga kinauukulan. Huwag na itong itanggi pa. Lucky color: Brown, lucky number: 9.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Masalimuot ang araw na ito. Mataas ang emosyon lalo na sa panig ng mga taong nakakataas sa iyo ng posisyon. Panatilihin ang kumpiyansa sa sarili kahit maraming kritisismo at negatibo sa paligid. Lucky color: Blue, lucky number: 16.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Importante ngayon na umiwas sa anumang extreme na gawain. Sa aspeto ng pananalapi ay iwasan ding mag-over gastos. Manatiling kalmado sa gitna ng mga tensyon. Pag-ukulan ng pansin ang kalusugan. color: Maroon, lucky number : 50.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Ilang tao sa paligid mo ang tila sinasadyang gawing komplikado ang araw mo. Sa halip na maubusan ng pasensya, kalma lamang dahil hindi makatutulong ang emosyon para malagpasan ang mga aberya. Chill ka lang at tumawa. Lucky color: Silver, lucky number: 29.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Hindi masamang ma-guilty sa ilang pangyayari pero wag mong payagan ang ibang tao na gamitin ang sitwasyon para ibagsak ka. Ang lahat ay nagkakamali. Importante lamang ng makabawi ka sa ibang araw. Lucky color: Peach, lucky number: 16..

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Mas emosyunal ka ngayong araw na ito kumpara sa karaniwan. Hindi naman ito dapat ikahiya. Sa halip na mangatwiran ay umamin na lang nang kahinaan. Lucky color: Brown, lucky number: 40.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – May komplikasyong hatid ang araw na ito. Sa halip na itanggi ang iyong pagkakamali, aminin ito at tandaan ang leksyong iniwan. Walang taong perpekto. Lucky color: Yellow, lucky number: 43.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Mapanghamon ang araw na ito kaya manatiling alerto. Dagdagan pa ang effort para matiyak na tama ang mga ginagawa mo. Mahirap nang magsisi sa bandang huli. Lucky color: White, lucky number: 8.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Mahirap magdalawang-isip dahil ngayon na kailangan ang iyong desisyon. wasan munang magbigay ng anumang commitment kung hindi ka pa sigurado sa sasabihin. Maghintay ng tamang oras at araw. Lucky color: White, lucky number: 21.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Isang taong pinagkakautangan ng loob ang hihingi sa iyo ng pabor. Hindi rin siya papayag anumang pakikipagkompromiso. Kung naiipit ka na, mas mabuting komunsulta sa mga eksperto. Makabubuting harapin ang hamon at ipakita ang iyong kakayahan. Lucky color: Green, lucky number: 42.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Kung dati ay kontrolado mo ang mga lumalabas sa iyong bibig, ngayon ay malaki ang posibilidad na matangay ka ng iyong emosyon. Iwasan ding tumayong kritiko ng sinuman . Mahirap nang maakusahan. Hindi mo kakayanin ang matinding tension. Lucky color: Gold, lucky number: 33.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Masarap mangarap ng tagumpay ngunit sa araw na ito, Malabo pa ito sa katotohanan. Iwasang pumasok sa anumang uri ng pakikipagsapalaran lalo na kung may kasamang malaking halaga. Lucky color: Orange, lucky number: 19.

Tonite – Wendys Inhouse Ad