Abante Tonite Interactive

Alamin ang ‘yong kapalaran ayon sa iyong zodiac sign | April 3, 2020

882

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Magaling kang mag-ayos ng problema kaya ikaw ang takbuhan ng iyong pamilya at kaibigan. Pero hindi sa lahat ng oras ay kaya mong ayusin ang lahat, mag-relaks at iwasang pasanin ang mundo. Lucky color: Red, lucky number: 11.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Mag-enjoy ngayong araw na ito at sandaling kalimutan ang mga bagay na may kinalaman sa trabaho. May mga bagay na kusang mareresolba kaya wag magpanik at ma-stress. Lucky color: Yellow, lucky number: 17.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) –Maraming pwedeng gawin para mag-enjoy kasama ng pamilya. Mag-ingat at maghinay-hinay sa paggastos. Lucky color: Violet, lucky number: 45.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Matutong tanggapin ang opinyon at ideya ng iyong mga katrabaho. Mas magiging matagumpay ang inyong proyekto kung kayo ay magtutulungan. Lucky color: White, lucky number: 33

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Maglaan ng oras para planuhin nang maigi ang mga bagay-bagay. Walang nagtatagumpay sa mga padalos-dalos na desisyon. Lucky color: Silver, lucky number: 8.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Wag hayaan na maging sunud-sunuran kahit kanino sa mga darating na araw. Magtiwala sa iyong sariling diskarte at angking galing. Lucky color: White, lucky number: 28.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Maging handa sa mga malalaking pagbabago na mangyayari sa mga darating na araw. Wag mag-alala dahil maganda ang idudulot nito sa ‘yong buhay. Lucky color: Maroon, lucky number: 44.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Makakaranas ng konting pagkainip sa ngayon pero wag mangamba. Malapit nang maging makulay muli ang iyong mundo. Lucky color: Gray, lucky number:11.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – May mga pangyayari sa ‘yong buhay na dapat panatilihing pribado. Wag basta magtiwala sa mga bagong kakilala. Lucky color: Brown, lucky number:33.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) –Ipakita sa isang kaibigan o katrabaho kung gaano mo na-appreciate ang kanyang payo o tulong ngayong araw. Manatiling inspirasyon sa iba at wag balewalain ang mga taong tumutulong sa ‘yo. Lucky color: Gold, lucky number: 5.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Wala ka sa mood para sundin lahat ang sinasabi sa ‘yo ngayon. Habaan ang iyong pasensya at iwasang magbitaw ng masasakit na salita. Lucky color: Violet, lucky number: 55.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Hindi makakabuti na mag-umpisa ng mga bagong bagay sa araw na ito. Mas epektibo kung ito ay sisimulan sa mga darating na buwan. Lucky color: Silver, lucky number: 3.

Tonite – Wendys Inhouse Ad