Abante Tonite Interactive

Alamin ang ‘yong kapalaran ayon sa iyong zodiac sign | April 5, 2020

875

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Magiging makabuluhan ang araw na ito sa piling ng iyong karelasyon. Pikit mata mong iiwasan ang mga bashers ng inyong pagmamahalan. As long as mahal mo siya at mahal ka niya ay walang makakapigil sa inyong dalawa. Lucky color: Pink, lucky number: 14.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Makabubuting samantalahin ang araw na ito para makipagbati sa mga taong nakasamaan ng loob. Kaya pang sagipin ang isang magandang relasyon na pinasok lamang maliit na tampuhan. Lucky color:Red, lucky number: 24.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Sumunod sa restriksyon at limitasyon para sa kabutihan ng nakararami. Pero wag itong hayaang maging hadlang sa mga gustong gawin . Abot-kamay lamang ang katuparan ng iyong pangarap kung patuloy na mananalig. Lucky color: Yellow, lucky number: 30.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Ang ginawa mong pagtatanggol sa isang kamag-anak ay lilikha ng panibagong gulo sa inyong pamilya. Hindi magugustuhan ng iba ang gagawin mong pagkampi kaya malalagay ka sa sitwasyon ng mga nag-uumpugang bato. Lucky color: Red, lucky number: 65.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Gamitin ang araw na ito para gumawa ng pangmatagalang plano. Sapat ang iyong enerhiya at inspirado ka. Malalagpasan mo ang iyong mga pagsubok kung buo ang iyong loob . Lucky color: Yellow, lucky number: 33.
wasang maging mapagsuspetsa. Bagama’t may ilang taong sumira sa iyong tiwala, wala na sila sa buhay mo. Magpokus sa kasalukuyan at hindi sa nakaraan. Lucky color: Violet, lucky number: 4.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Iwasang maging mapagsuspetsa. Bagama’t may ilang taong sumira sa iyong tiwala, wala na sila sa buhay mo. Magpokus sa kasalukuyan at hindi sa nakaraan. Lucky color: Violet, lucky number: 4.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Mararamdaman mo ang panlalamig ng iyong mahal sa hindi malamang dahilan. Marami kang tanong na gusto mong malaman ang sagot mula sa kanya pero mananatili kang tahimik at ganoon din siya kaya hindi masosolusyunan ang problema. Lucky color: White, lucky number: 23.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – May tukso para sumuko sa isang problema pero hindi ito ang solusyon. Maaaring makaiwas ka ngayon pero babalik din ito sa mga susunod na araw. Isang kaibigan ang may malaking maitutulong. Lucky color: Gray, lucky number: 7

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Wag munang gumawa ng maraming plano. Ilibre muna ang isip sa maraming problema. Magluluwag ang pakiramdam kung pagyayamanin ang pananampalataya. Lucky color: Silver, lucky number: 22.
CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Isang trabahong gusto mo nang isuko ang magkakaroon ng bagong kaganapan. Kailangan mo lamang ang tulong ilang piling indibidwal. Sila ang susi para tuluyan mo itong makumpleto. Lucky color: Gray, lucky number: 3.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Hindi mo masisisi ang isang tao na makaramdam ng sama ng loob sa’yo. May mali kang nagawa na hindi mo maamin sa sarili mo. Kailangan mo itong tanggapin o tanggapin mo na lang ang galit niya sa’yo. Lucky color: Gold, lucky number: 18.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – I-push mo pa ang sarili mo ngayon. Gumawa ng kakaiba kaysa nakagawian. Malakas ang magiging impluwensya mo sa mga taong nakapaligid sa iyo. Lucky color: Gold, lucky number: 39.

Tonite – Wendys Inhouse Ad