Abante Tonite Interactive

Alamin ang ‘yong kapalaran ayon sa iyong zodiac sign | April 6, 2020

925

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Isang alanganing sitwasyon ang posibleng hindi maiwasan. Kung makagawa ng isang bagay na hindi maganda sa paningin ng iba, tanggapin ang responsibilidad at humingi ng paunawa sa mga kinauukulan. Lucky color: Yellow, lucky number:33.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – May komplikasyong hatid ang araw na ito. Sa halip na itanggi ang iyong pagkakamali, aminin ito at tandaan ang leksyong iniwan. Walang taong perpekto. Lucky color: Yellow, lucky number: 3.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Masalimuot ang araw na ito. Mataas ang emosyon lalo na sa panig ng mga taong nakakataas sa iyo ng posisyon. Panatilihin ang kumpiyansa sa sarili kahit maraming kritisismo sa paligid. Lucky color: Orange, lucky number: 18.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Mas emosyunal ka ngayong araw na ito kumpara sa karaniwan. Hindi naman ito dapat ikahiya. Sa halip patunayan mong mali ang inaakala ng iba tungkol sa iyo. Lucky color: Maroon, lucky number: 40.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Ilang tao sa paligid mo ang tila sinasadyang gawing komplikado ang araw mo. Sa halip na maubusan ng pasensya, kalma lamang dahil hindi makatutulong ang emosyon para malagpasan ang mga aberya. Lucky color:L White, lucky number: 44.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) –– Importante ngayon na umiwas sa anumang extreme na gawain. Sa aspeto ng pananalapi ay iwasan ding mag-over gastos. Manatiling kalmado sa gitna ng mga tensyon. Lucky color: Red, lucky number: 10.
LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Hindi masamang ma-guilty sa ilang pangyayari pero wag mong payagan ang ibang tao na gamitin ang sitwasyon para ibagsak ka. Ang lahat ay nagkakamali. Importante lamang ng makabawi ka. Lucky color: Maroon, lucky number: 40.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Isang taong kasalungat mo ng pananaw at paninindigan sa buhay ang tila naghahamon. Hindi rin siya papayag sa anumang pakikipagkompromiso. Makabubuting harapin ang hamon at ipakita ang iyong kakayahan. Lucky color: Maroon, lucky number: 50

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Kung dati ay kontrolado mo ang mga lumalabas sa iyong bibig, ngayon ay malaki ang posibilidad na matangay ka ng iyong emosyon. Iwasan ding tumayong kritiko ng sinuman dahil sa bandang huli ikaw ang mahuhusgahan. Lucky color: Brown, lucky number: 20.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Meron kang pagdadalawang-isip ngayon at hindi magiging madali para sa iyo ang magdesisyon. Iwasan munang magbigay ng anumang commitment. Maghintay ng tamang araw. Lucky color: Blue, lucky number: 3.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Masarap mangarap ng tagumpay ngunit sa araw na ito, paborableng kontrolin ang iyong mga aksyon. Iwasang pumasok sa anumang uri ng pakikipagsapalaran. Lucky color: Silver, lucky number: 41.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) –– Mapanghamon ang araw na ito kaya manatiling alerto. Dagdagan pa ang effort para matiyak na tama ang mga ginagawa mo. Alalahaning walang pagsisising nasa unahan. Lucky color: Green, lucky number: 52.

Tonite – Wendys Inhouse Ad