Abante Tonite Interactive

Alamin ang ‘yong kapalaran ayon sa iyong zodiac sign | April 7, 2020

995

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Medyo nahihirapan ka sa iyong trabaho. Kailangang magdoble sikap upang makayanan ito. Wag mangamba dahil sa huli ay ikaw ang aani ng tagumpay. Lucky color: Maroon, lucky number:10.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Merong mga pangyayari na hindi tama sa iyong paningin. Ang mga gawaing ito ang ayaw mong tularan at pilit na iniiwasan dahil mabuti kang tao. Panindigan ang mga prinsipyo. Lucky color: Orange, lucky number: 34.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) –Huwag iasa sa iba ang iyong gawain kung ayaw mong maging magulo ito. Mas magiging maayos ang resulta kung ikaw mismo ang gagawa ng iyong tungkulin. Lucky color: Gold, lucky number: 49.
CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) –Ang pakiramdam mo ngayon ay nag-iisa ka lang sa buhay. Lumabas ng bahay at magpahangin. May mga taong handing tumulong sa iyo, Lucky color: Violet, lucky number: 56.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) –Alam mo na ang pera ay importante sa uri ng buhay na meron ka. Kailangan mo lang na dagdagan pa ang sipag upang ito ay iyong mapagyaman. Lucky color: Brown, lucky number: 14.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) –May mga mahihirap na sitwasyon na makakalimutan mo na lang sa iyong pagtulog. Hindi kasi lahat ng bagay ay dapat ipag-alala dahil ito ay lilipas din. Lucky color: White, lucky number: 6.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Iwasan ang pagsusungit dahil hindi ito maganda sa negosyo. Anumang pinagdaraaanan, pilitin pa rin ngumiti sa umaga upang maging mas masaya ang iyong buong araw. Lucky color: Gray, lucky number: 51.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Hinahayaan mo ang iba na magkaroon ng sarili nilang pagpapasya. Sa pagkakataong ito ay kailangan mo silang gabayan sa pagdedesisyon upang maging maayos ang lahat. Lucky color: Silver, lucky number: 50

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) –Huwag mag-isip ng anumang negatibo sa paligid mo. Kailangan mong siguraduhin na maging masaya lalo na ang mga mahal mo sa buhay. Lucky color: Brown, lucky number: 3.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Magiging abala ka sa araw na ito. Bigyan pa rin ang sarili ng konting oras na makapagpahinga upang maging mas maayos ang pagtratrabaho. Wag ding kalimutang mag-ayos ayos sa loob ng bahay. Lucky color: Blue, lucky number: 33.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) –May ilang tao na gustong subukan ang iyong pamumuno. Hindi sila magtatagumpay sa kadahilanang mas magaling kang lider kesa sa kanila. May suwerteng hatid ang bagong gamit sa bahay . Lucky color: Yellow, lucky number: 7.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Hindi mo dapat sisihin ang iyong sarili sa mga nangyari. Hindi lamang ikaw ang gumawa nito at hindi mo naman ito sinadya. Walang rason na sisihin ang sarili. Lucky color: Pink, lucky number: 5.

Tonite – Wendys Inhouse Ad