Abante Tonite Interactive

Alamin ang ‘yong kapalaran ayon sa iyong zodiac sign | April 8, 2020

962

ARIES (Marso 21- Abril 19)- Maraming kahaharaping gastusin kaya’t kaunting tipid sa pera. Makakaisip ka na magdagdag ng bagong mapagkakakitaan. Pero hindi mo agad ito mapagpapasyahan dahil sa dami ng suggestions sa iyo. Isiping mabuti kung alin ang gusto at maisasapuso. Lucky color: Silver, lucky number: 5.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20)- Huwag mong ipagkait ang papuring hinihintay mula sa’yo ng isang miyembro ng pamilya. Deserve niya ang mga paghanga mo at tinitingala ka niya kaya labis siyang masisiyahan sa simpleng salita mo lang. Magiging inspirasyon ka ng iyong pamilya. Lucky color: Gray: lucky number: 29.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 20) – Matatanggap mo ang isang sorpresa mula sa iyong mahal. Magugustuhan mo ang kanyang effort at magandang hangarin pero hindi sapat ito para ka sumaya. Wag itong ipahalata sa kanya para hindi siya masaktan. Lucky color: Yellow, lucky number: 23.

CANCER (Hunyo 21- Hulyo 22)- Masyado kang magiging abala sa bagong sports na kinahihiligan mo ngayon. Kaya naman hindi mo na mabibigyan ng pansin ang ilang mahahalagang bagay Piliting mabalanse at career at pamilya. Lucky color: Violet, lucky number: 19.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22)- Makakatanggap ka ng sopresa mula sa mga kasamahan dahil sa katapatan mo sa trabaho. Mapililing lider ng isang grupo. Panindigan ang matibay na prinsipyo. Lucky color: Blue, lucky number: 41.

VIRGO (Agosto 22- Setyembre 22)- Matutuwa ka sa sasabihin ng iyong anak tungkol sa kanyang pag-aaral. Isang karangalan ito na dapat mong ipagdiwang at ipagmalaki. Ipagpatuloy mo lang ang pagsuporta mo sa lahat ng pangangailangan niya. Lucky color: Peach, lucky number: 69.

LIBRA (Setyembre 23- Oktubre 22)- Hindi ka makakaramdam ng inip sa paghihintay dahil maaaliw ka sa mga makikita mo sa paligid. Pero hindi ibig sabihin nito ay palalampasin mo ang sinasabi ng iba tungkol sa iyo. Lucky color: Red, lucky number: 38.

SCORPIO (Oktubre 23- Nobyembre 21)- Iwasan mo muna ang sobrang day dreaming. Buksan ang mga mata sa reyalidad ng buhay. Magiging dahilan ito para lalo kang mahulog sa kanya. May matutuklasna na hindi maganda na tatapos sa iyong mga pantasya. Lucky color: Gold, lucky number: 9.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22- Disyembre 21)- May isang mahalagang bagay kang kailangang malaman tungkol sa isang tao na nagpapanggap na kaibigan mo. Ang intensyon niya sa’yo ay hindi naman masama pero hindi mo ito magugustuhan. Ingatan ang mga susunod na hakbang. Lucky color: Beige, lucky number: 50.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19)- Hindi magiging maganda ang takbo ng araw na ito. Pero maaari mo pang mabago ang ihip ng hangin kung susundin mo ang payo ng nakatatanda. Dapat mong buksan ang puso at isip mo sa maraming bagay. Lucky color: Orange, lucky number: 18.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18)- Ikaw ang tanging makakasagot sa tanong mo kung mahal mo pa siya. Marami siyang pagkukulang at mga nagawang pagkakamali pero hindi ito kailanman naging basehan ng iyong damdamin. Tanungin moa ng iyong puso mo para malaman mo kung tunay mo siyang mahal. . Lucky color: Pink, lucky number: 14.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20)- Kung ayaw mo na madamay sa gulo mas okay na manahimik na lang. Alam mo na kung ano ang dapat mong gawin. Magsara ng pinto at wala ka dapat kausapin para hindi madamay sa isyu. Lucky color: White, lucky number: 28.

Tonite – Wendys Inhouse Ad