Abante Tonite Interactive

Alamin ang ‘yong kapalaran ayon sa iyong zodiac sign | April 9, 2020

1,505

Keanu Reaves
Kaarawan: Setyembre 2, 1964

May focus at dedikasyon pagdating sa trabaho kaya madalas s napo-promote agad kahit bago pa lang sa pinapasukan. Mahalaga sa kanila ang bawat sentimo na dahilan nang kanilang pagiging masinop sa buhay.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Wag nang ipagpaliban ang mga gagawin. Maaaring mapasubo kung hindi mag-iingat sa relasyon. Lucky color: Blue, lucky number: 8.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Maraming oras sa araw na ito kaya’t walang rason para hindi makapagrelaks. Ituon muna ang atensyon sa iyong pamilya. Madedestino sa ibang lugar. Lucky color: Yellow, lucky number: 18.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) –– Hindi mapigilan ang pagkainis sa isang tao. Dahil ba ito sa selos? Gagaang ang pakiramdam kung ilalabas ang nagpapabigat sa kalooban . Lucky color: Maroon, lucky number:19.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22)-Kontrolin ang emosyon dahil baka ito pa ang maging mitsa nang iyong kasawian. Hindi mo pa lubusang kilala ang taong kinagigiliwan. Walang masama kung magdadahan-dahan. Lucky color: Pink, lucky number: 16.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Makipag-usap nang diretso.. Hindi kailangang sumigaw. Linawin ang mga limitasyon para sa matahimik na pagsasama. Lucky color: Gray, lucky number: 9.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Pairalin ang lamig ng ulo. Di malulutas ang gusot kung hindi magbibigayan. Nasa iyo ang desisyon kung gusto mong maging masaya sa buhay. Lucky color: White, lucky number: 11.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Napapaligiran ka ng mga negatibo. Mas mabuting kumawala muna sa grupo. Mas importante ang iyong kapakanan kaysa ibang tao. Lucky color: Silver, lucky number: 33.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) –Hindi malulutas ang problema kung mananahimik. Ikaw lamang ang makakalutas nito bago pa lumala. Lucky color: Maroon, lucky number: 30.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Wag idamay sa isyu ang mga taong inosente
Maging sensitive sa damdamin ng iba. Tanggapin na meron ka ring pagkakamali. Lucky color: Brown, lucky number: 24.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Ituloy ang mga plano. Maganda ang kahihinatnan ng sakripisyo. Bigyan ng reward ang sarili pagkatapos ng mga pagsubok. Lucky color: Yellow, lucky number: 19.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18)-May mga bagay na dapat i-let go. Dito mo masusubok ang iyong kakayahan. Tandaan ang mga aral na laging ipinapaalala sa iyo. Lucky color: Blue, lucky number: 15.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) –Nakakabigla ang lalabas na katotohanan. Maghunos-dili sa gagawin. Maraming madadamay sa isang mabigat na salita na maaring bitiwan. Lucky color: Gold, lucky number: 8.

Tonite – Wendys Inhouse Ad