Alamin ang ‘yong kapalaran ayon sa iyong zodiac sign | March 30, 2020

795

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Magandang araw ito para sa pagpaplano lalo na kung may kinalaman ito sa iyong creative side. Meron ding ilang hadlang sa iyong daan pero hindi ito uubra dahil inspirado ka. Lucky color: Black, lucky number: 33.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Merong sorpresang hatid ang araw na ito at magpapasaya ito sa iyo. Maari ring maging isyu ang attitude mo at kailangan mong mag-adjust para sa isang taong malapit sa puso mo. Lucky color: Brown, lucky number :19.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Sundin ang idinidikta ng iyong konsensya. Anuman ang isipin ng ibang tao, gawin mo ang nararapat. Sa pagkakataong ito, emosyon ang dapat mong ikonsidera. Lucky color: Gray, lucky number: 41.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Tiyaking nanatiling nakatuntong sa lupa ang iyong mga paa. Wag ding kalimutan ang mga taong may malaking naitulong sa iyong pag-uumpisa. Dito mo ibase ang iyong pagdedesisyon. Lucky color: Violet, lucky number: 10.
LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Kung gusto mong buhayin ang isang relasyon, ngayon ang magandang pagkakataon. Gawin ang mga bagay na alam mong magpapasaya sa partner mo. Lucky color: Yellow, lucky number: 55.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Hindi na dapat magpaka-stress sa pag-iisip kung ano ang mangyayari sa mga susunod na bukas. Magpokus sa nangyayari ngayon at enjoy mo lamang ang bawat sandal. Wag nang pahirapan ang sarili. Lucky color: Red, lucky number: 50.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Walang dahilan para magalit ka sa isang kaibigan mo dahil lamang hindi siya umaayon sa gusto mo. Respetuhin ang inyong magkaibang pananaw at mas titibay ang inyong samahan. Lucky color: White, lucky number: 16.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Mahirap para sa iyo na aminin ang isang pagkakamali. Taliwas sa inaakala mo, marami ang nakapuna nito. Mas mabuti pang sa iyo magmula ang paglilinaw kaysa hintaying magkomento ang iba. Lucky color: Gray, lucky number: 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Kung may ialok sa iyo ngayon ng oportunidad para sa pagnenegosyo, hindi mo ito agad dapat tanggapin. Maaring nakakasilaw ang ipinapangako nitong kikitain pero maaring hindi mo kayanin ang kailangan mong isakripisyo. Lucky color: Orange, lucky number: 2

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Importante sa araw na ito na linawin sa simpleng pananalita kung ano ang gusto mo. Hindi nababasa ng mga kaibigan at maging ng partner mo kung ano ang nilalaman ng isip mo kaya wag silang gawing manghuhula. Lucky color: Blue, lucky number : 20.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Hindi masamang magtrabaho nang magtrabaho pero tiyaking hindi mo kinakaligtaan ang iyong kalusugan. Iwasan ding gumawa ng mga aktibidad na may epekto sa iyong health. Hindi lahat ng ginagawa ng iba ay dapat mo ring gawin. Lucky color: Yellow, lucky number: 37.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Mag-isip muna nang makailang ulit bago ang isang panibagong pag-uumpisa. Kung mapagdesisyunang ituloy ito, tiyakin na nakalatag na ang mga kinakailangang plano. Lucky color: Red, lucky number: 45.

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...