Abante Tonite Interactive

Alamin ang ‘yong kapalaran ayon sa iyong zodiac sign | May 21, 2020

0 299

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Iwasang makipagdiskusyon tungkol sa pera. Mag-level up na. Wag basta magpaapekto sa maliliit ng bagay. Lucky color: Blue, lucky number: 25.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Alam mo kung ano ang gusto mo at sino ang tunay na mahal. Samantalahin ang libreng oras para makapasyal at makapag-relax. Lucky color: Maroon, lucky number: 12.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Madali lamang sa iyo na iwasan ang taong kinaiinisan. Sundin ang puso dahil ito ang mas makatwiran. Sa bandang hapon, puwede nang magpahinga. Lucky color: Orange, lucky number: 2.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Hindi masamang harapin ang totoong problema. Ipakita na hindi ka nasisindak sa kanila. Piliting kumalma kahit galit na galit ka na. Lucky color: Maroon, lucky number: 42.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Minsan sa sobrang excited ay may makalimutan na gamit. Piliin ang 2 pinanakamalapit na kaibigan para sa iyong pasalubong. Lucky color: Blue, lucky number: 33.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Walang ibang opsyon kundi harapin na ang mga obligasyon sa pamilya. Hindi ka makaka-move on kung hindi ka pa nagpapatawad. Kung gusto mong gumaaang ang iyong pakiramdaman, kausapin ang taong nakasamaan ng loob. Lucky color: Gray, lucky number: 20.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Protektado ka ngayon ng katotoohanan. Hawak mo sa iyong kamay ang iyong tagumpay. Iwasan lang malinis ng landas. Maraming magagandang nangyayari taong hindi madamot. Lucky color: Violet, lucky number: 10.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Umiwas muna sa taong maraming sinasabi. Hindi ito ang tamang timing para makipagtalo. Pigilan ang sariling makapagsalita ng masasakit . Lucky color: Pink, lucky number: 33.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) Maging praktikal sa paghawak ng pera. May pagkakataon na matutukso ka sa isang taong sobrang lambing. Mabuting pigilan ang sarili. Lucky color: Yellow, lucky number: 5.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Wala kang obligasyong gawin ang mga bagay na hindi mo gusto. Kung para lamang ito sa iilang tao, puwede mo na silang dedmahin. Magiging komportable sa isang bagong kakilala. Lucky color: Gold, lucky number: 40.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Maaaring pagsisihan ang isang desisyon dahil hindi buo ang iyong loob. Magsilbing aral sa iyo ang mga nangyari. Wag nang sisihin ang sarili. Lucky color: Green, lucky number: 30.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Ingatan ang pagsasalita dahil hindi lahat ng nakikinig ay kampi sa iyo. Kakailanganin mo ang tulong sa personal na problema. Lucky color: Brown, lucky number: 9

Tonite – Wendys Inhouse Ad