Abante Tonite Interactive

Alamin ang ‘yong kapalaran ayon sa iyong zodiac sign | May 23, 2020

0 335

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Magpokus sa totoong isyu. Gawin ang magagawa mo para makatulong . Kung may sobrang pera ay ibahagi ito sa taong humihingi ng kaunting pabor. Lucky color: Brown, lucky number: 16.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Mapapansin na may ilang kaibigan na hindi magandang impluwensya. Ayusin lang ang pagsasalita para makaiwas muna sa kanila. May hindi magandang ganap kapag sila ang laging kasama. Lucky color: Gray, lucky number: 45.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Nakatutok ka ngayon sa iniaalok sa iyong harapan. Handa mong gawin ang lahat para makamit ang minimithi. Kung anuman ang narinig ay wag masyadong damdamin dahil isa lang itong malaking biro. Lucky color: Red, lucky number: 56.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Maraming negative vibes sa paligid. Mas mabuting ibahin ang ayos ng kabahayan para mapagpag ang hindi magandang namamahay sa inyo. Tapusin ang isang naumpisahan para hindi mapagalitan.Lucky color: Violet, lucky number: 5.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) –Hindi masamang magtrabaho pero balansehin ang oras sa pamilya. Masasagad ang pasensya sa isang kasamahan. Wag nang ipagpabukas ang pag-uusap para maresolba agad ang isyu. Lucky color: Yellow, lucky number: 16.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Wala kang takot na sabihin ang nasa isipan. Iwasan lamang na gumamit ng masasakit na salita. Mas mabuting idaan sa diplomasya para maging maayos ang usapan. Lucky color: Maroon, lucky number: 23.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Mahirap para sa iyo ngayon na baguhin ang nakasanayan. Gawing hobby ang pagbabasa para sa dagdag na kaalaman. Magkakaroon ng ibang pananaw at perspektiba. Lucky color: Orange, lucky number: 11.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Maging matapang sa pakikipaglaban sa kung ano ang tama. Kailangan mo ng isang taong masasandalan sa iyong kagipitan. Lalabas ang katotohanan na magbibigay ng laya at katahimikan. Lucky color: Blue, lucky number: 12.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Harapin ang isyung pampamilya. Iwasan ding magtanong kung hindi ka kasali sa usapan. Hindi ikaw ang dapat masunod sa lahat ng pagkakataont manahimik muna. Lucky color: White, lucky number: 18.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Isantabi muna ang pagbibiro. Makinig sa seryosong usapan. Pagbigyan muna ang sarili na makapagrelaks na malayo sa ingay at distraksyon. Lucky color: Maroon, lucky number: 27.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Masyado kang agresibo ngayon. Ingatan ang taong pagsasabihan ng mga sikreto. Maaring kailanganin mo ang tulong ng isang nakatatanda para sa isang kumplikadong problema. Lucky color: Silver, lucky number: 52.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Magiging maayos ang mga plano kung hihingi ng expert opinion. Busisiin ang maliliit ng detalye tungkol sa pera . Mahirap nang makulangan nang hindi mo nalalaman. Lucky color: Black, lucky number: 17.

Tonite – Wendys Inhouse Ad