Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alamin: Hakbang para ma-track ang national ID

0 86

Naiinip ka na ba kakahintay sa iyong National ID?

Ilang buwan na matapos ang iyong Step 2 biometrics registration ay wala ka pa ring balita kung nasaan ito? Pwes ay itigil mo muna ang pag-tweet ng #NasaanAngAkingNationalID at subukan ang mga hakbang na ito sa pag-track ng iyong National ID sa pamamagitan ng PHLPost website.

Narito ang mga hakbang sa pag-track ng inyong ID sa pamamagitan ng PHLPost tracker:

Una, hanapin ang inyong Step 2 transaction slip at kunin ang inyong trasaction number na makikita sa ilalim ng inyong pangalan.

Pangalawa, magtungo sa PHL tracking website na tracking.phlpost.gov.ph. at ilagay sa kahon ang inyong transaction number.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pangatllo, i-click ang ‘track’ upang malaman ang delivery status ng inyong National ID at mga PHLPost offices na napuntahan nito.

Kapag walang lumabas na resulta, nangangahulugang ito’y nasa mabusisi pang pagpoproseso.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), nasa humigit 8.1 milyong National IDs na ang naipadala sa mga registrant nito. Ang PHLPost ang namamahala sa pag-deliver ng mga National ID bilang opisyal na courier ng PSA.

Ang Philippine Identification System (PhilSys) naman ang siyang namamahala sa data gathering upang malikha ang mga ID na ito, bilang mandato sa nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2018 na Republic Act 11055 o PhilSys Law. (Chris Jovillanos De Luna)

Leave A Reply

Your email address will not be published.