Abante Tonite Interactive

Alamin: Mga sawsawan na mabuti at masama sa ating kalusugan

By
0 383

‘Di na kaila sa ating mga Pinoy ang pagkahilig natin sa pagkain. Mapa-mamahaling resto man, turo-turo o kahit sa gilid lang ng kalsada, kapag nakaramdam ng gutom ay di nagpapaawat – kain agad.

Pagdating sa kainan, di rin nawawala ang sawsawan. Nandiyan ang ketsup, lechon sauce o sarsa, ma­yonnaise, sweet & sour – chili sauce, gravy, patis, toyo, suka, bagoong, kalamansi at kung anu-ano pa.

Nakagawian na na­ting isawsaw ang mga pagkaing kinahihiligan natin lalo na sa panghimagas.

Abante Hiring – IT dep

May mga ulat na nagsimula ang pagkahilig natin sa sawsawan nang makilala tayo bilang no. 1 producer ng asukal.
Dahil wala pang freezer at refrigerator noong araw ay naisip ng ating mga ninuno na ibabad sa asukal o asin ang anumang putahe partikular na ang karne at isda para ma-preserve at di agad ito mabulok.

Mula noon, kapag matabang na sa kanilang panlasa ang nakahaing ulam ay nakasanayan na nilang gumamit ng sawsawan gaya ng suka, toyo o bagoong.

Hindi masamang gumamit ng anumang sawsawan sa pagkain pero dapat pa rin nating tandaan na anuman ang sobra ay masama.

Gaya ng sobrang maaalat, maaanghang, o mga sangkap na sobra sa mantika o margarine na maaring mauwi sa sakit sa bato, stroke, high blood o heart attack.

Ilan sa rekomendadong sawsawan ng mga doktor na mabuti sa katawan ay ang calamansi na mayaman sa vit. C, suka na nakakapagpababa ng blood sugar at tomato or banana catsup na bukod sa mayaman sa lycopene, vitamins at mi­nerals ay panlaban din sa prostate cancer at ulcer.