Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alamin: Paano hindi maloko sa online transaction

0 357

Dahil sa pandemya, nagkaroon ng malaking pagbabago hindi lang sa pagkakaroon ng limitadong pagkilos ng mga tao, ngunit maging sa paraan kung paano tayo mamuhay.

Tulad na lamang sa pagtatrabaho na ang ibang kompanya at establisimyento ay napilitan na magpatupad ng work-from-home setup, sa pag-aaral na napalitan ngayon ng blended learning dahil sa pagbabawal sa mga face-to-face class dulot ng banta ng COVID-19. Gayundin sa pagnenegosyo at sa pamimili ng mga kinakailangan na ginagawa na online.

Marami nga sa mga galaw natin natin sa panahong ito ay ginagamitan na ng teknolohiya, kaya payo ng mga awtoridad kailangan nating maging maingat sa pakikipagtransaksyon sa sinuman online.

Kaya naman ang tanong, paano ba tayo magiging ligtas sa transaksyon natin sa online?

Ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT) may mga paraan upang magkaroon ng cybersafety ngayong COVID-19 pandemic.

1. Maging maingat sa mga hindi beripikadong website o application

Posible umano na ang mga ito ay ginagamit ng mga online scammer o nagtataglay ng virus, marware, ransomware at iba pang cyber threat na maaring kkumuha ng personal na datos tulad ng banking detail. Pwede umano itong magpanggap bilang solicitation o survey tungol sa COVID-19.

2. Huwag magbukas ng mga mensahe o attachment mula sa hindi kilalang source

Alerto dapat sa mga natanggap na email o mensahe tungkol sa COVID-19. Suriin kung totoo ang mga ito at huwag i-click ang mga link o nilagay na attachment.

3. Suriin ang impormasyon

SM SuperKidsDay Banner Ad

Basahin lang ang mga impormasyon mula sa mga mapagkakatiwalaang source. Huwag nang i-share ang mga hindi beripikadong impormasyon upang hindi kumalat ang fake news at lumikha ng panic.

Saan dapat magreklamo?

Nito lamang nakalipas na linggo napaulat na mayroon nang higit 13,000 reklamo mula sa mga consumer ang natanggap ng Department of Trade and Industry (DTI) na may kaugnayan sa mga online transaction.

Lomobo umano ito mula sa 985 complaint nitong Enero hanggang Marso na naging 13,674 hanggang nitong Setyembre 25, ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo. Karamihan umano sa mga natanggap na sumbong ay tungkol sa depektibong produkto, mapanlinlang, hindi patas, at maling paraan ng pagbebenta. Pinakamarami umanong naitalang reklamo noong Abril at Hunyo, kung kailan mahigpit ang pinatupad na quarantine sa bansa.

Payo ng Philippines National Computer Emergency Response Team (PNCERT) sa mga mga online shopper na gumagamit ng credit o debit card, gayundin sa mga nagbibigay ng e-commerce service, na mag-ingat sa banta ng Magecart Group 7 na tinaguriang MakeFrame, na na-infect ang ilang mga website. Modus umano nito na atakihin ang mga hindi na secured na shopping site umanong makuha ang mga data ng shopper kabilang ang credit card details.

Rekomendasyon sa mga online buyer, seller

Anumang kahina-hinala habang nagsha-shopping online, tulad ng pop-up o biglang pagpunta sa ibang website ay posibleng senyales na hindi na dapat ituloy ang transaksyon. Narito pa ang mga pwedeng gawin, ayon sa PNCERT:

Huwag gumawa ng transaksyon kung walang HTTPS sa mga shopping site. Basahin din ang privacy policy. Bago ituloy ang pamimili, basahin ang mga testimonial o review ng iba pang mga kostumer. Suriin ang mga discount at deal na tila hindi makatotohanan. Huwag mag-online shop gamit ang public WiFi. At sa huli, kung may agam-agam ay mabuti nang huwag ituloy ang transaksyon.

Ilan naman sa mga payo para sa mga negosyo na mayroong e-commerce website ay magkaroon ng latest security software kabilang ang anti-virus at anti-malware. Siguruhin na ang lahat ng end-users at customer ay magkaroon ng password na may habang 12 character. Baguhin ang default login credential sa lahat ng system, at ipaalam sa mga emplyeado at customer ang pagkakaroon ng ligtas na cyber practice.

Para sa mga may reklamo sa kanilang biniling produkto, maaari umanong magpadala ng complaint letter sa DTI, na may kalakip na kompletong detalya ng pangalan, address, email, contact number, sa consumercare@dti.gov.ph o sa kanilang tanggapan. Habang ang mga ulat naman ng cybersecurity concernt ay maaaring ipaalam sa www.facebook.com/Ncertgovph o cert-ph@dict.gov.ph. (Gel Manalo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.