Abante Tonite Interactive

Alan lagot ‘pag palpak ang SEAG

405

Mananagot si House Speaker Alan Peter Cayetano kapag pumalpak o nagkaroon ng sablay ang gaganaping Southeast Asian (SEA) Games sa bansa ngayong Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Inihayag ito ng Malacañang kasunod ng kinukuwestiyong cauldron na magiging simbulo ng pagsisimula ng SEA Games na nagkakahalaga ng P55 milyon.

Kumpiyansa si Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi gagawa ng mali si Speaker Cayetano lalo na kung ang gamit ay pera ng taumbayan.
“Im sure, hindi naman gumagawa si Speaker Alan, hindi gagawa ‘yan ng mali with respect sa pera ng bayan,” ani Panelo.

Sinabi ng kalihim na mas mainam na marinig muna ang panig ng House Speaker sa mamahaling cauldron bago ito husgahan.

Sakali mang magkaroon aniya ng bulilyaso ang SEA Games, si Cayetano ang mananagot dahil siya ang nagpapatakbo sa kanyang kapasidad bilang head ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Commitee o Phisgoc.

“The Speaker is accountable to all that relates to the SEA Games. Kung anong bulilyaso doon dahil siya ang nagpapatakbo doon, siyempre
accountable siya. Meanwhile let’s not prejudge him. Alam mo madaling mag-akusa. Its very easy to accuse, tingnan muna natin kung anong puno’t dulo niyan. Kasi hindi natin alam bakit ganon,” wika pa ni Panelo.

Ang mamahaling cauldron para sa SEA Games ang pinagdiskitahan ni Senador Franklin Drilon sa budget hearing ng Philippine Sports Commission sa Senado kung saan pinuna nito kung bakit napakamahal ng cauldron na gagamitin para sa pagsisimula ng SEA Games.

Bigong ma-justify
Nabigo umanong ma-justify ng Phisgoc at Philippine Sports Commission (PSC) ang ginastos ng gobyenro na P9.5 bilyon para sa pagtatayo ng New Clark City Sports Stadium sa Capaz, Tarlac, ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon.

“It is a question of whether or not the policy that we built new facilities in Clark is a valid issue, because of the 56 sporting events that will take place during the SEA Games, exactly two will be held in Clark – that is swimming and track and field. The question is, is the P9.5 billion expense justified?” pahayag ni Drilon matapos ang deliberasyon ng Senado sa panukalang 2020 budget ng PSC kahapon.

Sabi ni Drilon, makakatipid sana ang gobyerno kung ipina-renovate na lang ang Rizal Memorial Coliseum sa Maynila sa halagang P1.2 bilyon sa halip na magtayo ng napakamahal na bagong sports hub.

“The PSC admitted that they could have refurbished Rizal Memorial Coliseum for a cost of P1.2-B. The policy issue is, do we have to spend P9.5 billion facilities when in fact we could have spend P1.2-B to refurbish Rizal Memorial Coliseums,” ani Drilon.

Bukod diyan, kaya rin umano ng PSC sa ilalim ng pamumuno ni William ‘Butch’ Ramirez na hawakan o pamahalaan ang darating ng 30th Southeast Asian Games at hindi na kailangan pang kunin ang serbisyo ng Phisgoc.

“This is the assertion of Mr. Ramirez, who is the head of PSC, who also stated that the PSC could have done what the Phisgoc is doing. That is admitted. The PSC is equipped and competent to handle what is Phisgoc is doing provided that there is coordination with POC,” ayon kay Drilon.

Nauna rito, sinabi ni Ca­yetano na mahalaga ang pagkakaroon ng malaking sports facility tulad ng itinayo sa New Clark City dahil kaya na umano ng Pilipinas na maki­pag-compete sa malalaking international sporting events.

Pero sabi ni Drilon, “At this stage, I do not see the relevance of that. Which event are we looking at to host? The Olympics? I think that is a piped dream at this point.”

Paglilinaw pa ni Drilon, malinaw na nakasaad sa batas na ang POC ang dapat nangunguna sa preparasyon o paghawak ng malaking sports event kagaya ng pagdaraos ng SEA Games.

“Yes. The POC is the franchise holder. That is why they were asserting their authority,”

Ikinatwiran din nito na isang simbolismo at work of art ang binabatikos na ‘kalderong ginto’ na ginastusan ng P55 milyon. (Dindo Ma­tining/Aileen Taliping/Prince Golez)