Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alan, mga bata binaboy kongreso

0 451

Mariing tinuligsa ng ruling PDP-Laban, na kumakatawan ng pinakamalaking puwersa sa Super Majority Coalition sa Kamara ang naging pagkilos ni Speaker Alan Peter Cayetano at mga alipores nito para puwersahang aprubahan ang proposed 2021 Budget at ang maagang pagsuspendi ng sesyon hanggang Nobyembre 16.

Sa pamamagitan ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, sinabi nitong ang naturang hakbang umano ni Cayetano at mga minions nito ay nararapat lamang na kondenahin at dapat na managot sa mga dahilang una, itinigil umano ang budget deliberation gayong hindi pa nabigyan ang lahat ng miyembro ng Kamara ng sapat na panahon para busisiin ang Budget ng iba’t ibang ahensiya.

Inaprubahan umano ang Budget sa ikalawang pagbasa na hindi umano dumaan sa kailangang Budget process and procedure.

Taliwas din umano ang pagpapatibay ng budget sa commitment ni Cayetano na gawing ‘transparent and meaningful and beneficial’ para sa mga Filipino ang national spending package.

SM food to go Banner Ad

Nilabag din umano ang rules ng Kamara nang baguhin ang inaprubahang calendar ng Kongreso sa pamamgitan ng maagang suspensiyon ng sesyon na dapat sana ay sa Oktubre 17.

Sa ginawa umano ni Cayetano, pinapakita lamang nito na kapit tuko ito sa posisyon.

“The foregoing acts manifest Speaker Cayetano’s extreme desire to hold on and hang on to power in clear defiance of President Duterte’s desire for the passage of fair and equitable budget that serves nothing but the interests of the Filipino people,” ayon kay Velasco, “Because of Speaker Cayetano’s desperate attempt to stay in power, he has bastardized the institution we swore to protect and respect and committed serious violations of the Constitution to save himself. He knows very well that he no longer enjoys the trust and confidence of House members. This caper is the last nail to his coffin. Speaker Cayetano, you’re time is up.”

Samantala, pumalag din House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa madaling pagpapatibay ng Budget.

“Mariin naming binabatikos mula sa Bayan Muna ang pagratsada ng approval on Second Reading ng 2021 Budget. Sinagasaan at nasakripisyo ang pagbusisi sa budget ng mga naiiwan pang mga ahensya katulad ng DepEd, DOH, DOTR, DAR at iba pa dahil sa awayan sa speakership ng mga kampo ni Speaker Alan Peter Catetayo, na gustong manatili sa posisyon,” ayon pa kay Zarate. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.