Abante Tonite Interactive

Alapag, Alab sisilip sa semis

2,449

Mga laro ngayon:
(OCBC Arena-Singapore)
4:00 p.m. – Singapore Slingers CLSK Indonesia
(Nanhai Gymnasium-China)
7:30 p.m. – CSKF China vs. SMPP-A Pilipinas

Bibitbitin nina Renaldo Balkman, Justin Brownlee at Bobby Ray Parks, Jr. ang a­ngas mula sa Bulacan sa Guangdong sa pagsalpok mamayang alas-7:30 ng gabi ng San Miguel Pale Bilsen Alab Pilipinas sa Chong Son Kung Fu China.

Sa pagpapatuloy ito ng 8th ASEAN Basketball League 2018 eliminations sa Nanhai Gymnasium na balwarte ng Chinese, na rito’y pakay ng dayong kampo ang pampitong dikit na salanta sa pagbasag sa pagtatabi sa karibal sa segunda puwesto sa parehas na 11-5 win-loss record.

Abante Hiring – IT dep

Galing ang Pinoy quintet sa pahirapang 86-84 alpas noong Miyerkoles kontra Mono Vampire Thailand sa Baliuag Star Arena na nagpalapit sa isa sa silya sa outright semifinals.

Go-ahead lay-up ni Balkman ang nagpaalpas sa Alab sa pinaleng 3.8 segundo ng laro. Rumolyo siya ng 31 points at 13 rebounds sa laban, si Brownlee ay may 16 markers at 13 boards samantalang si Parks ay naka-10 puntos.

Ang tatlo rin, ka­sabwat si Joshua Urbiz­tondo ang mga nagpasiklab sa kampo ni coach Jimmy Alapag nang itaob ang Chinese noong Enero 31 sa overtime 94-91 sa Sta. Rosa City Multi-Purpose Complex, Laguna. (Ramil Cruz)