Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alas 15 araw suspendido

0 80

Sinuspinde ng Phoenix LPG Superkalan management si Fuel Masters coach Francisco Luis ‘Loiue Alas dahil sa hindi inaasahang paglabag sa mga itinakdang safety guidelines at health protocol sa pag-eensayo ng team.

Tatagal ng 15-araw ang kaparusahan base sa ipinapalagay na paglabag sa utos ng liga sa health protocols sa workout ng Fuel Masters sa Upper Deck gym sa Ortigas, Pasig.

Ayon nitong Martes sa pamunuan ng kponan, istrikto nilang sinusunod ang health protocols ng Philippine Basketbal;l Association (PBA) at hindi kinakampihan ang kahit sino sa koponang lalabag sa patakaran.

Tanggap naman ni Alas ang desisyon kahit dismayado at pinasalamatan pa rin ang pamunuan sa mahigpit na pagsunod sa league guidelines upang makaiwas sa COVID-19.

“Disappointed, but happy on the other hand. (Kasi) kahit may 15-day suspension, alam ko na mai-implement ang protocols sa team namin, dahil walang pinipili, kahit sinong may violation, may sanction,” ani Alas sa panayam ng Spin.ph.

Tinukoy ng pamunuan ng Phoenix ang tatlong paglabag ni Alas sa unang araw ng workout ng Fuel Masters sa nakaraang linggo.

Ito ay ang paglalagay ng tape sa kanyang daliri, pagpasok sa venue sa nakatakdang oras ng ibang batch ng player at ang biglaang pag-entra sa court habang isinasagawa ang decontamination. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.