Abante Tonite Interactive

Alas 8 buwang garahe

By
2,643

Malaking kawalan sa NLEX si Kevin Alas, pero walang balak ang Road Warriors na humugot ng pamalit sa free agency.

Katunayan, magagamit pa ang pagkakataon para magpakitang-gilas ang iba sa roster ni Yeng Guiao.

Sa Game 5 ng semifinals series ng NLEX at Magnolia noong March 18, naramdaman ni Alas na parang nag-lock ang kanang tuhod nang atakehin ang depensa nina Paul Lee at Mark Barroca 40 seconds pa lang sa laro.

Hindi na nakabalik sa series ang fourth-year guard mula Letran. Inabot ng ACL injury, hanggang walong buwan mawawala si Alas.

Ayon kay Guiao, mas may laban sila sa Commissioner’s Cup kung buo ang backcourt duo nina Alas at Kiefer Ravena, kombinasyon na naghatid sa unang pagkakataon sa NLEX sa semis ng all-Filipino. (Vladi Eduarte)